3 pang phreatomagmatic bursts naitala sa Taal – PHIVOLCS
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
TATLO pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.
Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 ng umaga kahapon.
Walo namang volcanic earthquakes, kabilang na ang isang volcanic tremor, ang namataan sa paligid ng Taal na tumagal ng hanggang limang minuto.
Aabot namansa 4,273 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan nito.
Nagbabala ang ahensya sa mga possible hazards ngayong nananatili pa ring nakataas ang Alert Level 3 sa Taal, tulad na lamang ng posibleng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at accumation ng lethal volcanic gas.
Kabuuang 1,632 pamilya o 5,878 katao ang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil sa pagalboroto ng Taal, ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
-
“Mufasa: The Lion King” — A New Chapter Begins with the Teaser Trailer Release
Discover the origins of the Pride Lands’ most legendary king in Disney’s “Mufasa: The Lion King,” coming to theaters December 2024. Directed by Barry Jenkins with songs by Lin-Manuel Miranda, this epic tale of destiny and brotherhood promises to captivate audiences worldwide. Disney has officially released the teaser trailer for the highly anticipated […]
-
13 milyong motorsiklo sa Pinas ‘di rehistrado – LTO
TINATAYANG 13 milyong motorsiklo na tumatakbo sa lansangan sa buong bansa ang hindi rehistrado. Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Plates Unit officer-in-charge Nivette Amber Pastorite sa pagdinig ng Senate Committeee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, 12.9 milyon motorsiklo ang tumatakbo sa mga lansangan na hindi rehistrado. […]
-
YUL SERVO, MANUNUNGKULAN BILANG MAYOR NG MAYNILA
PANSAMANTALANG manunungkulan bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto dahil sa pagdalo ni Mayor Honey Lacuna-Pangan sa C4 World Mayors Summit na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina. Ayon kay Acting Mayor Yul Servo, ibinilin nito sa kanya ang pagpapanatili ng maayos, malinis at tapat nilang paghahatid […]