3 Pinoy pa nananatili sa Gaza
- Published on October 27, 2023
- by @peoplesbalita
TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital.
Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals.
Nagpahayag din ng pag-asa si De Vega na makakasama ang tatlong Pinoy sa pagtawid sa Egypt para sa repatriation ngayong “weekend”.
Base sa datos sa 136 Pinoy na nasa Gaza nang pumutok ang sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas militant, kalahati nito ay mula sa Pilpinas at ang iba ay kanilang mga anak at mga asawang Palestino.
Samantala, hindi pa rin matagpuan ang dalawang Pinoy sa Israel na nawawala matapos ang pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 ng militanteng Hamas.
Isa umano sa nawawalang Pinoy ay babae na mayroong Israeli passport habang ang isa pa ay posibleng hostage ng Hamas at inaasahang mapapalaya rin. (Daris Jose)
-
IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’
MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon. Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila […]
-
Vhong Navarro, pinayagan nang magpiyansa sa halagang P1 milyon
PINAYAGAN nang makapagpiyansa ng Taguig City Regional Trial Court para sa kanyang pansamantalang paglaya ang aktor at TV host na si Vhong Navarro, kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo. “Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his […]
-
MARIAN, hoping na mabibigyan pa sila ni DINGDONG ng isang pang anak kahit happy na kina ZIA at ZIGGY
KAPUSO royalties, Dingdong Dantes and Marian Rivera are ready to have a third child. Sa isang interview, sinagot ni Marian ang tanong na ito ng, “kung ano ang ibigay sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.” “Para sa amin ni Dong, ang dalawa ay okay sa amin, pero kung pagpapalain at […]