3 puganteng SOKOR, inaresto ng BI
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pag-operate ng illegal gambling site sa internet.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang mga dayuhan ay inaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga miembro ng bureau’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila.
Unang inaresto si Kim Heechui, 36 sa BF Homes, Parañaque City habang si Seo Min, 30, at Kim Yongsu, 45, ay inaresto sa loob ng kanilang condominium unit sa Scout Grandia sa Diliman, Quezon City.
“They will also be placed in our blacklist of undesirable to make sure they won’t be able to come back to the Philippines,” ayon sa BI Chief.
Ayon sa BI-FSU, si Kim ay wanted ng Interpol, ay may arrest warrant na inisyu noong May 2021 ng Jeonju district court sa Korea sa paagbubukas at pag-operate ng isang online gambling site.
Inisyuhan naman ng warrant of arrest ng Incheon District court noong May 2023 dahil sa pagpapatakbo ng illegal gambling website sina Seo Min at Kim Yongsu.
Ang mga website operator ay kumita umano ng 2 trillion won, o US$1.4 million mula sa kanilang illegal activities. (GENE ADSUARA)
-
Jaylen Brown, Boston pinahiya Brooklyn sa sariling teritoryo
NAGSUMITE ng double-double sina Jaylen Brown at Jayson Tatum at pinutulan ng Boston ng four-game win streak si Kevin Durant at Brooklyn via 103-92 win nitong Linggo sa Barclays Center. Pero hindi raw ang 34 points, 10 rebounds ni Brown at 29-11 ni Tatum ang susi sa panalo. “Our defense definitely […]
-
After civil wedding, kaabang-abang ang church wedding… RIA, nagpakasal na kay ZANJOE sa mismong kaarawan niya
SA pamamagitan ng intimate wedding ceremony officiated by Quezon City Mayor Joy Belmonte, ikinasal ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Naganap ang civil wedding last Saturday, March 23, around 3 in the afternoon. Sinaksihan ito ng pamilya at malalapit na kaibigan. Sa Instagram post ng Kapamilya actor […]
-
Underwear ni NBA legend Michael Jordan naibenta sa auction katumbas ng P140,000
Nabili sa auction ang underwear ni NBA legend Michael Jordan. Ayon sa Lelands Auctions nabili ito sa halagan $2,784 o nasa P140,000. Umabot sa 19 na bidders ang nagkainteres. Ang nasabing underwear ay naitago ng kaibigan ng bodyguard ng Chicago Bulls star na si John Michael Wozniak.