• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI

TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

 

Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman ang binawian ng buhay.

 

Hanggang Hulyo 28 din, umabot naman sa 14,665 ang mga naisagawang COVID-19 tests ng lungsod matapos makatangap ng 1,436 na test resultsna karamihan ay mula sa mass testing na isinusulong ng pamahalaang lungsod.

 

Sa bagong tanggap na resulta 1,331 o 93% ay negatibo sa COVID-19.

 

“Ito po ang sinabi natin dati sa pagpapaigting natin ng swab testing, hindi malayong marami rin ang makukumpirmang kaso. Pero hindi ibig sabihin nito na bigo ang ating lockdown. Ang resulta ng lockdown ay makikita natin pagkatapos pa ng dalawang linggo,” ani alkalde.

 

Sa kabilang banda, isang araw bago matapos ang lockdown, iniulat ng Navotas Police na hanggang 5pm ng July 28, umalagwa na sa 5, 853 ang nadakip lockdown violators sa lungsod, 304 ang menor-de-edad habang 5,549 naman ang nasa hustong gulang. (Richard Mesa)

 

Other News
  • Roy Jones Jr. nagbanta na aatras sa laban nila ni Tyson

    Nagbanta si dating four-division world champion Roy Jones Jr na umatras sa laban niya kay Mike Tyson.   Ayon sa 51-anyos na boxer, nakakadismaya ang nasabing paglipat ng petsa sa nasabing laban.   Mula kasi sa dating Setyembre ay inilipat ang laban sa Nobyembre.   Ang nasabing paglipat ng petsa ay para makalikom pa ng […]

  • “Maging maayos na ang agrikultura”

    “MAGING maayos na ang agrikultura” ang birthday wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdiriwang ng kanyang ika- 66 kaarawan ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 13.     Aniya pa, wish din niya na madetermina ng gobyerno kung ang bansa ay makararanas ng wet o dry season para malaman ang tulong na maaaring ibigay nito […]

  • Happy sa bagong ini-endorse dahil effective at mura pa: MARIAN, aminadong adik sa lotion at nilalagyan si DINGDONG ‘pag tulog na

    DAHIL sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanya na BlancPro.   Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag o-offer ng epektibong skincare products sa mababang halaga na […]