• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI

TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

 

Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman ang binawian ng buhay.

 

Hanggang Hulyo 28 din, umabot naman sa 14,665 ang mga naisagawang COVID-19 tests ng lungsod matapos makatangap ng 1,436 na test resultsna karamihan ay mula sa mass testing na isinusulong ng pamahalaang lungsod.

 

Sa bagong tanggap na resulta 1,331 o 93% ay negatibo sa COVID-19.

 

“Ito po ang sinabi natin dati sa pagpapaigting natin ng swab testing, hindi malayong marami rin ang makukumpirmang kaso. Pero hindi ibig sabihin nito na bigo ang ating lockdown. Ang resulta ng lockdown ay makikita natin pagkatapos pa ng dalawang linggo,” ani alkalde.

 

Sa kabilang banda, isang araw bago matapos ang lockdown, iniulat ng Navotas Police na hanggang 5pm ng July 28, umalagwa na sa 5, 853 ang nadakip lockdown violators sa lungsod, 304 ang menor-de-edad habang 5,549 naman ang nasa hustong gulang. (Richard Mesa)

 

Other News
  • “SHAZAM” FIGHTS FOR THE WORLD IN “FURY OF THE GODS” TRAILER

    FRESH from the San Diego Comic Con, check out the official trailer for “Shazam! Fury of the Gods” – in cinemas across the Philippines January 8, 2023.     YouTube: https://youtu.be/6WCxvXNYVSA   Facebook: https://fb.watch/erWsg6auN2/   About “Shazam! Fury of the Gods”     From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of […]

  • Ads March 14, 2022

  • Target ng warrant of arrest, 3 pa timbog sa shabu sa Caloocan

    APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang na-rescue na 16-anyos na estudyante ang arestado nang maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni East Grace Park Police Sub-Station 2 Commander PLt Joemar Ronquillo ang naarestong mga suspek bilang si Antonio Cuevas, 58 […]