3 sa 4 na sundalong nasawi sa Sulu shootout, binigyan ng military honors
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Binigyan ng military arrival honors ang tatlo sa apat na sundalo na nasawi sa shootout sa Sulu sa pagdating ng kanilang mga labi sa Villamor Air Base kahapon.
Mismong si Philippine Army Chief, Lt.Gen. Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga labi nina Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, at Sgt. Jaime Velasco.
Habang ang burial rites para Cpl. Abdal Asula, ay ginawa na sa sa Sulu.
Nasawi ang apat na sundalo matapos barilin ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police station nitong Lunes ng hapon sa harap ng Jolo Central Fire Station sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.
Ayon sa militar, ang apat na miyembro ng military intelligence unit ay nagsasagawa ng operasyon kontra sa mga suspected terrorist bombers nang mangyari ang insidente.
Tiniyak ni Gapay na ipagkakaloob ng militar ang lahat ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima.
Nangako din si Gapay na sisiguruhin ng Philippine Army na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga kasamahan.
-
P904 milyon kemikal at gamit sa paggawa ng shabu winasak sa Valenzuela
Tinatayang nasa P904 milyong halaga ng kemikal at sangkap sa paggawa ng shabu ang winasak ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Punturin, Valenzuela city. Pinangunahan Valenzuela Mayor Rex Gatchalin at PDEA Director General Wilkins Villanueva ang pagwasak ng laboratory equipment, controlled precursors and essential chemicals (CPECs) na gamit sa […]
-
DA Usec. Leocadio Sebastian nag-resign kasunod nang unauthorized resolution sa pag-import ng 300,000MT ng asukal
BOLUNTARYONG nag-resign na sa kanyang puwesto si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian matapos na mabulgar ang hindi otorisadong balakin na pag-angkat sana ng 300,000 metric tons ng asukal. Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes ng gabi. Si Sebastian ang tumatayong undersecretary for operations and chief-of-staff ni Pangulong Ferdinand […]
-
Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’
Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya. Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”. Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta. Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]