• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sangkot sa droga kulong sa P238-K shabu

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang 38-anyos na byuda matapos makuhanan ng P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos, Rainier Cagumoc, 18 ng Brgy. 118 Caloocan City at Joan Tan, 38 ng Kaunlaran St. Brgy. Muzon.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P238,000 ang halaga at buy-bust money.

 

Ayon kay Col. Rejano, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Adonis Sugui ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Kaunlaran St. Brgy. Muzon dakong 12:30 ng madaling araw.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200. (Richard Mesa)

Other News
  • Pilipinas hindi pa nakakabili ng bakuna laban sa COVID-19 – PRRD

    Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.     Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.     Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo […]

  • Sa pagbabalik ng ‘Kusina ni Mamang’ sa BuKo Channel POKWANG, excited na sa mga special guests na magbabahagi ng kani-kanilang istilo sa pagluluto

    HUMANDA sa pagluluto ng isang bonggang handaan dahil ang ‘Kusina ni Mamang’, ang sikat na cooking show ng BuKo Channel, ay nagpapasaya na naman ngayong Tag-araw. Magiging kakaiba ang taon na ito, na nangangako na dadalhin ang mga manonood sa isang culinary journey na may mga featured dish na inspired ng tunay na lutuing Pinoy. […]

  • Senate Medal of Excellence ibibigay kay Yulo

    ISINULONG ng ilang senador ang pagbibigay ng Senado ng “medal of excellence” sa Filipino gymnast Carlos Yulo na nakasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.     Kabilang sa mga ­naghain ng resolusyon para kilalanin ang pambihirang nagawa ni Yulo sina da­ting Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate Ma­jority Leader Francis Tolentino at […]