• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust

Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa P. De Vera St., Brgy. Sipac Almasen.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Dennis Villanueva, 55 matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Ernando Borja, 37, na sinasabing umiiskor ng droga kay Villanueva. Narekober sa mga suspek ang 202 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960 ang halaga, buy-bust money at P300 bills.

 

Sa Valenzuela city, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team si Joseph Laganina, 35, sa buy-bust operation sa P. Gomez St. Brgy. Maysan sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., nakuha kay Laganina ang 1 gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, P300 buy-bust money, P200 bills at dalawang cellphones. (Richard Mesa)

Other News
  • Special QCinema Compilation Of LGBTQ Short Films Deserves A Second Look

    FROM its premiere last year with QCinema, How to Die Young in Manila by Petersen Vargas is about a surreal meet-up amidst a violent setting.     The film, which has been exhibited in Busan, LA Outfest & Singapore, stars Elijah Canlas where he portrays a teenage boy following a group of young hustlers, thinking […]

  • PH, Israel lumagda ng kasunduan para palakasin ang relasyon sa turismo

    KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Israel na palakasin ang pagtutulungan sa turismo lalo pa’t mas maraming filipino ang inaasahan na bibisita sa Holy Land at mararanasan ang mayamang kasaysayan ng bansa at kultura nito.     Tinintahan nina Tourism Secretary Christina Frasco at Israeli Tourism Minister Haim Katz, kasalukuyang nasa bansa, araw ng Martes, Disyembre […]

  • 34 patay sa landslide sa Brazil

    UMABOT sa 34 katao ang nasawi sa malawakang pagbaha at landslides sa Rio de Janeiro, Brazil.     Ilang araw kasi na nakaranas ng pag-ulan ang Petropolis City na nagbunsod sa pagguho ng mga lupain.     Hindi pa tiyak naman Riio de Janeiro Fire and Civil Defense Department kung ilang katao ang nawawala.   […]