• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan

Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Marulas A, Brgy. 36.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Ermar Nalda alyas Jojo, 44, ng Tondo Manila, at Joey Espinada, 40 ng No. 292, Marulas St., Brgy. 36 matapos bentahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136,000.00 ang halaga at buy-bust money.

 

 

Dakong 9:30 ng gabi naman ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Brian Ramirez nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at iniulat ang hinggil sa nagaganap umanong transaksiyon ng ilegal droga malapit sa Jasmin St. Brgy. 161.

 

 

Nang respondehan, nakita ng mga pulis sina Edward Manglangit, 32, Joel Opiaza, 38, security guard, Noe Domo, 38, security guard, at Anecito Ordeniza, 30, security guard na nagpapalitan umano ng ilegal na droga dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200 ang halaga.

 

 

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan

    NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂   “Four years and yet “No Label??   “Gurl if totoo man yan you should know your worth…   “Kaya […]

  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]

  • Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship

    TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.   Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.   Nagkasya lang si […]