• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 SUGATAN SA SUNOG SA MALABON

SUGATAN ang tatlong katao, kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuokupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, ng lungsod hanggang sa mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

 

Napaulat na wala si Quitlong sa kanyang bahay nang sumiklab ang hindi pa matukoy na pinagmulan ng sunog.
Kaagad inakyat ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang under control dakong alas-4:57 ng madaling araw bago tuluyang naapula alas-6:02 ng umaga kung saan tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

 

Dalawang residente sa lugar ang napaulat na nagtamo ng mga sugat at 2nd degree burn sa katawan habang dumanas naman ng heat exhaustion ang isang fire volunteer. (Richard Mesa)

Other News
  • 2nd SONA ni PBBM, ipakikita ang ‘significant progress’ ng Pinas

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na mapagtatanto ng mga filipino na ang bansa ay nakagawa ng “significant progress”  habang pinapakinggan ng mga ito ang kanyang pangalawang  State of the Nation Address (SONA) sa susunod na linggo.     Ang pangalawang SONA ng Pangulo ay sa Hulyo  24, araw ng Lunes.     Sinabi ng […]

  • Patuloy na pinupuri sa mahusay na pag-arte: BARBIE, grateful na part ng important milestone sa GMA Primetime

    MARAMING natuwa nang si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang naging cover ng Cosmopolitan PH magazine this month.      May caption ito na: “Independent, passionate and fearless. – Barbie Forteza is a Modern Filipina that the next generation can relate.     “Barbie earned her star the old school way for 13 years – […]

  • VICTORY PARADE NG LAKERS, APRUB NA SA MAYOR NG LA

    MISMONG si Los Angeles Lakers star LeBron James ang nakiusap kay LA City Mayor Eric Garcetti na makapagsagawa sila ng victory parade.   Ito’y matapos ang kakaibang pangyayari kung saan sabay na nagkampeon ang Lakers sa NBA Finals at ang Los Angeles Dodger sa Major League Baseball (MLB) sa isang conference. Pumayag naman ang alkalde […]