• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spoelstra gagawing consultant ng Gilas

TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang ma­ging consultant ng Gilas Pilipinas.

 

 

Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia.

 

 

Kaya naman nais ng SBP na bumuo ng solidong team para makasabay sa mga world-class players na darating sa Pilipinas para sa World Cup.

 

 

At isa si Spoelstra sa nakikita ng asosasyon na may malaking maitutulong sa Gilas Pilipinas.

 

 

“I hope he (Spoelstra) says yes,” ani Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

 

 

Wala pang inilalatag na offer ang SBP.

 

 

Ngunit inaasahang paplantsahin na ito ng grupo lalo pa’t mahigit isang taon na lamang ang nalalabi bago ang FIBA World Cup.

 

 

Malaki ang maitutulong ni Spoelstra sa Gilas Pilipinas dahil malalim ang karanasan nito partikular na sa paghawak ng isang team.

 

 

Hindi biro ang mga hi­nawakan ni Spoelstra dahil dumaan na sa palad nito ang ilang NBA superstars gaya nina Lebron James at  Dwayne Wade.

Proud si Spoelstra sa pagkakaroon nito ng dugong Pinoy.

Makailang ulit na itong bumisita sa Pilipinas.

Pinay ang ina nitong si Elisa na mula sa San Pablo, Laguna.

Nakikibahagi rin si Spoelstra sa mga fundraising sa tuwing dumaraan sa kalamidad ang Pilipinas.

Other News
  • NAVOTAS, DOST, TUP LUMAGDA SA MOA SA PAGPAPAHUSAY SA SOLID WASTE MANAGEMENT

    LUMAGDA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan ng Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Department of Science and Technology (DOST), at Technological University of the Philippines (TUP), sa isang memorandum of agreement na naglalayong pahusayin ang solid waste management sa urban waterways sa pamamagitan ng deployment ng Aqua Trash Collector Bot (AQUABOT).       Ang AQUABOT, […]

  • Ito ang kauna-unahan niya kaya panay ang training: PIA, naghahanda sa pagsali sa New York City marathon

    NAGHAHANDA na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa pagsali niya sa New York City marathon.     Ito raw ang kauna-unahang marathon na sasalihan niya kaya panay ang training niya.     “It’s only 3 months before race day and these were my thoughts before I started training and got serious about running cos […]

  • Virtual 10th anniv concert ni Alden, wala ng urungan sa December

    PUWEDENG alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko- contest na isa nga siya sa pinaka- in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.   Noong October 10 na lang, al- though hindi naman personal na […]