3 timbog nang magtransaksyon ng shabu sa harap ng mga pulis sa Navotas
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
Kalaboso ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos magtransaksyon ng shabu sa harap mismo ng mga operatiba ng Maritime Police na nagsasagawa ng surveillance operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Albert Mejarito, ng Bulungan St.NFPC, Brgy. NBBS, Juanito Rosales, 36 ng Balot, Tondo, at Reynante Egana, 52 ng Pier 1, NBBN.
Ayon kay PSMS Nemesio “Bong” Garo, dakong 11:50 ng gabi, nagsasagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia hinggil sa natanggap na ulat na umano’y bentahan ng isda na huli sa putok sa Market 1, NFPC, Brgy. NBBS nang huminto at tumayo sa kanilang harap ang mga suspek.
Tila hindi napansin ng mga suspek ang mga pulis at nagtransaksyon ang mga ito saka nag-abutan ng plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya’t agad silang nilapitan ng mga operatiba sabay nagpakilalang mga pulis.
Gayunman, hindi na nakapalag ang mga suspek nang agad silang arestuhin ng mga operatiba at nakumpiska sa kanila ang 21 piraso ng plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P11,600.00 ang halaga.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
DepEd: ‘Halaga ng mga nasirang learning materials dahil kay Ulysses, nasa halos P17-M’
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umabot sa nasa P16.8-milyon ang halaga ng mga learning materials na nasira sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses. Sa isang situation report, sinabi ng DepEd na halos 400,000 learning materials, na karamihan ay nanggaling sa Bicol region, ang nasira bunsod ng bagyo. Maliban sa Bicol, […]
-
IVANA, nanawagan sa mga lalaki na gusto siyang ligawan at pakasalan; namimigay ng pera kapag nalalasing
IBANG klase pa lang malasing ang sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi. Ang latest vlog nito ay nakipag-inuman sa kapatid na si Hash habang sinasagot ang “Never Have I Ever.” Marami itong rebelasyon at aliw kami na mukhang planong i-deny na gumamit din siya ng dating app, pero ibinuko ng kapatid […]
-
PBBM, nagtalaga ng bagong Comelec commissioner
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ma. Norina Tangaro-Casingal bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec). Sa katunayan, inanunsyo ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang ad interim appointment ni Tangaro-Casingal, araw ng Lunes, Pebrero 10. Si Tangaro-Casingal ay naging director ng Comelec Law Department simula pa noong 2016. Siya ay isang election […]