• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa buy bust sa Malabon

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, 48, kapwa ng Alupihang Dagat St. Brgy. Longos at Susan Enamno, 57 ng NAIA Pasaya city.

 

 

Ayon kay PSSg Salvador Laklaken Jr., dakong 11:05 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano ng buy bust operation sa Alupihang Dagat Street.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ni Amano at Dela Cruz ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.57 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P105,876.00 ang halaga at marked money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • President Duterte pinahinto ang vehicle inspection scheme

    Pinahinto ni President Duterte ang pagpapatupad ng vehicle inspection scheme program ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa dumaraming reklamo sa mataas na bayad dito.     Hindi na mandatory ang MVIS para sa renewal ng registration ng mga private at public utility vehicles (PUVs).     “MVIS is no longer mandatory. That means there […]

  • NO FACE SHIELD NO MASK NO REGISTRATION POLICY

    MAHIGPIT na ipatutupad ang “No face mask No face shield, No registration policy” sa pagpapatuloy ng voters registration sa Setyembre 1.   Ilan sa mga lugar na magreresume ng voters registration ang Metro Manila na nasa ilalim nan g General Community quarantine o GCQ.   Habang ang mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine at […]

  • ELLEN, nagsalita na at nagpaliwanag sa isyu nang pagwo-walkout sa taping ng ‘John en Ellen’

    NAGSALITA na nga si Ellen Adarna tungkol sa isyu nang pagwo-walkout diumano sa last taping day ng sitcom nila ni John Estrada sa TV5, ang John en Ellen.       Na-imbiyerna daw ang buong production ng sitcom dahil bigla na lang daw umalis si Ellen ng taping sa Laiya, Batangas, kaya hindi raw natapos ang […]