• January 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela

BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y nagaganap na illegal gambling activity sa Blk. 48 North Ville 2 Harv Brgy., Bignay.

 

 

Agad inatasan ni SS7 Commander P/Capt. Albert Verano ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSg Robbie Vasquez na pinuntahan ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Jonas, 39, alyas Allen, 31, at alyas Bernie, 27, matapos maaktuhang naglalaro ng illegal na sugal na cara y cruz dakong alas-2:50 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay PSSg Vasquez, nakuha nila sa lugar ang tatlong one-peso coins na gamit bilang pangara at P400 bet money sa magkakaibang denomination habang nakumpiska naman kina ‘Jonas’ at ‘Allen’ nasa 8.91 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P60,588.00.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 ang kakaharapin pa nina ‘Allen’ at ‘Jonas’. (Richard Mesa)

Other News
  • MANILA ZOO, MAGBUBUKAS BAGO MAG-PASKO

    BAGO sumapit ang Kapaskuhan, muling bubuksan sa publiko  ang Manila Zoo, ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila.     Ang Manila Zoo ay pansamantalang isinara mula noong Hunyo 2022 at ang reopening nito ay kasunod ng pagnanais ng ating mga kababayan na makapamasyal sa panahon ng Christmas season kasama ang kanilang mahal sa Buhay   […]

  • ‘Si PNoy ang nagpatuloy ng mga ‘di natapos nina Ninoy at Cory’ – Ballsy

    Walang humpya na pasasalamat ang ipinapaabot ng pamilya Aquino sa maraming mga nakiramay at nagdarasal sa kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ng dating Pangulong Nonoy Aquino.     Naging mabilis ang pangyayari. Aminado ang iniwang pamilya ni PNoy na gulat sila.     Sa loob ng dalawang araw ay naihatid sa kanyang huling hantungan ang […]

  • Hamilton muling napantayan ang winning record ni Schumacher

    Nakapagtala ng panibagong record si Formula One champion Lewis Hamilton.   Ito ay matapos na mapantayan na niya ang pitong world titles ng F1 legend Michael Schumacher.   Nakuha nito ang panalo sa Turkish Grand Pix na ginanap sa Istanbul Park.   Madali lang nito ng nakuha ang walong puntos sa kaniyang team mate na […]