3 TNT staff pinagmulta
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG staff ng Talk ’N Text ang pinagmulta matapos lumabag sa dress code ng Philippine Basketball Association (PBA).
Pinadalhan ni PBA commissioner Willie Marcial ng sulat sina Ricardo Santos, Bong Lozano at Bong Tulabot kung saan pinagmulta ang bawat isa ng P1,000.
Napag-alaman na naka-shorts lamang sina Santos, Lozano at Tulabot sa laban ng TNT Tropang Giga at NorthPort Batang Pier sa Angeles University Foundation gymn sa Pampanga.
Ayon kay Marcial, malinaw na paglabag ito sa dress code ng liga.
“You were observed wearing shorts while on duty as TNT personnel. This is in violation of the PBA dress code,” ani Marcial.
Binalaan ni Marcial ang opisyales ng lahat ng teams na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng shorts sa mga aktuwal na laro.
“We would like to remind that PBA coaches and all other team personnel must not be seen wearing shorts during games,” ayon pa kay Marcial.
Mas magiging mabigat ang parusa ng liga sa oras na muling lumabag sina Santos, Lozano at Tulabot. “Let this serve as a warning that a repetition of the same shall merit a heftier fine,” pagtatapos ni Marcial.
-
Pangulong Marcos sinasapinal na SONA
ISINASAPINAL na lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang laman ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes. Sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang anumang engagement ang Pangulo kahapon. Sinabi ni Garafil na personal na sinusulat ni Pangulong Marcos ang laman ng kanyang ulat para sa bayan. “The […]
-
Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS
MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila. Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga […]
-
Suportado siya ni Inah sa bagong teleserye: JAKE, aminadong nangapa sila ni BEA sa muling pagtatambal
IT’S super grand celebration of love and friendship as Beautederm Home marks another milestone as it commemorates the formal renewal of Marian Rivera-Dantes as its official brand ambassador for another 30 months. Sa launch may nagtanong bakit 30 months lamang? Para kay Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm, wala raw limit ang contract, forever […]