3 TNT staff pinagmulta
- Published on November 11, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG staff ng Talk ’N Text ang pinagmulta matapos lumabag sa dress code ng Philippine Basketball Association (PBA).
Pinadalhan ni PBA commissioner Willie Marcial ng sulat sina Ricardo Santos, Bong Lozano at Bong Tulabot kung saan pinagmulta ang bawat isa ng P1,000.
Napag-alaman na naka-shorts lamang sina Santos, Lozano at Tulabot sa laban ng TNT Tropang Giga at NorthPort Batang Pier sa Angeles University Foundation gymn sa Pampanga.
Ayon kay Marcial, malinaw na paglabag ito sa dress code ng liga.
“You were observed wearing shorts while on duty as TNT personnel. This is in violation of the PBA dress code,” ani Marcial.
Binalaan ni Marcial ang opisyales ng lahat ng teams na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusuot ng shorts sa mga aktuwal na laro.
“We would like to remind that PBA coaches and all other team personnel must not be seen wearing shorts during games,” ayon pa kay Marcial.
Mas magiging mabigat ang parusa ng liga sa oras na muling lumabag sina Santos, Lozano at Tulabot. “Let this serve as a warning that a repetition of the same shall merit a heftier fine,” pagtatapos ni Marcial.
-
DA, nagpatulong na sa Vietnamese expert para sa irrigation system gamit ang tubig ulan
NAGPATULONG na si Department of Agriculture (DA) sa isang Vietnamese expert para magtayo ng irrigation systems sa apat na patag na lupaing sa Pilipinas. Ayon sa DA, ang bagong pamamaraan ay inaasahan na magiging 50% ‘cheaper’ kaysa sa traditional irrigation projects sa Pilipinas. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na nakita niya […]
-
DA, nakikita ang pagbaba ng SRP para sa sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero
INAASAHAN na itatakda sa ikalawang linggo ng Enero ang mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas. Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, araw ng Lunes na ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong araw ng Sabado, Enero 7, dahilan para […]
-
Philpost package scam, bagong modus – PNP
BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa Philpost package scam matapos na maraming mabiktima hinggil sa umano’y mga unclaimed package sa nasabing tanggapan. Ayon kay P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng PNP-ACG, ang modus operandi ng mga tiwaling manggagantso ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang automated machine na […]