• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 tulak arestado sa P.7 milyon halaga ng shabu

TIMBOG ang tatlong umano’y notoryus drug pushers matapos makuhanan ng nasa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Paul John Mendoza, 23, Ian Vher Oquendo, 28, kapwa ng Block 9 Pamasawata, Caloocan city at Neil Ryan Atienza, 40 ng 264 M. Sioson St. Brgy. Dampalit, Malabon.

 

Ayon kay Col. Tamayao, matapos ang higit isang linggong surveillance operation sa mga suspek, agad ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Johnny Baltan ang buy-bust operation sa Tanigue at Dalagang Bukid Streets, Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo matapos bintahan ni Mendoza ng isang sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P1,000 marked money.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang tatlong medium size plastic sachets at dalawang maliit na plastic sachets na naglalaman lahat ng hinihinalang shabu na tinata-yang nasa 103.00 gramo at may corresponding standard drug price na P700,400.00 ang halaga, habang ang buy-bust money ay nakuha kay Mendoza.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Filipino-Japanese Judoka Kiyomi Watanabe hindi makakasama sa 31st SEA Games

    Hindi makakasama si Filipino-Japanese judoka Kiyomi Watanabe sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi Vietnam.     Sinabi ni Philippine Judo Federation secretary-general Dave Carter na hindi pa gaanong gumaling si Watanabe mula sa kaniyang injury.     Dagdag pa nito na patuloy ang paggaling ng 25-anyos na Japan-based judoka mula sa anterior […]

  • Bong Go, kinumpirma ang PRRD-BBM meeting…

    KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go, ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos.     Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon […]

  • Balitaan sa Tinapayan

    AMINADO  ang Land Transportation Office (LTO) na talagang may problema pagdating sa pag-iisyu ng mga plaka ng mga sasakyan lalo na sa motorcycle plate. Sinabi ni LTO Chief Asec. Jay Art Tugade sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan na noong 2017 pababa ay walang na-isyung mga plaka . Ayon kay Tugade, kung mayroon man […]