30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara
- Published on September 15, 2023
- by @peoplesbalita
SUPORTADO sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.
Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin na lamang itong 11 mula sa kasalukuyang 56.
“This is a timely intervention that will help ensure our teachers’ well-being,” sabi ni Nograles. “Natutuwa tayo na masigasig ang DepEd sa paghahanap ng paraan upang maibsan ang pasang responsibilidad ng ating mga guro. Mainam itong balita lalo pa’t ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month ngayong buwan.”
Pinapurihan din ng solon ang paglulunsad ng DepEd ng isang website kung saan makahihingi ng legal na tulong ang mga guro kaugnay ng kanilang mga pagkakautang.
“Our teachers often fall victims to loan sharks due to circumstance, that is why we need provide them with financial education, legal assistance, and other ways for them to break from the cycle of debt and poverty,” sabi pa ni Nograles.
-
Malakanyang, hindi kontra sa naging hakbang ng Kongreso hinggil sa paghahain nito ng Bayanihan 3
NILINAW ng Malakanyang na hindi ito kontra sa inihaing Bayanihan 3 bill na inisyatibo ni House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay ng patuloy na pagtugon ng pamahalan sa COVID 19. Ayon ay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ipinupunto lamang nila ay dapat lang masiguro kung may pangangailangan ba talaga para sa ikatlong Bayanihan. […]
-
Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa. Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis. […]
-
Progreso Village, itatayo sa Valenzuela
PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase 1 ng Progreso Village, isang pangunahing proyekto sa pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ang flagship initiative, na idineklara sa ilalim ng Executive […]