PDu30, may hawak ng shortlist ng mga kandidato para maging susunod na hepe ng PNP
- Published on November 6, 2020
- by @peoplesbalita
NAKASISIGURO si Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroon nang hawak na listahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga posibleng kandidato para maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Nakatakda na kasing magretiro sa susunod na linggo si Outgoing PNP Chief Camilo Cascolan.
Iyon nga lamang ay wala pang impormasyon si Sec. Roque kung sino ang napipisil ng Pangulo para humalili sa pwesto ni outgoing PNP Chief Gen. Cascolan.
Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque ay mas makabubuting hintayin na lamang ang magiging pinal na desisyon ng Chief Executive ukol dito.
Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Duterte si Cascolan bilang PNP chief noong Setyembre at sa darating na Nobyembre 10, ang opisyal na pagbaba niya sa pwesto matapos na umabot na ito sa kanyang mandatory retirement age na 56. (Daris Jose)
-
PhilHealth may bagong spokesperson
MAYROON nang bagong tagapagsalita ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa abiso ng PhilHealth kahapon, nabatid na ito’y sa katauhan ni Dr. Israel Francis A. Pargas na siyang Senior Vice President ng Health Finance Policy Sector. “Please be informed that effective immediately, PhilHealth’s new spokesperson is Dr. Israel Francis “Doc Ish” […]
-
PBBM, pinangunahan ang kampanya kontra online sex-abuse, exploitation; lumikha ng tanggapan para sa Child Protection
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang kampanya laban sa lumalaganap na Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC). Binigyang diin ng Chief Executive ang epekto sa ‘puso at pundasyon’ ng bawat komunidad sa Pilipinas. Sa naging talumpati ng Pangulo sa idinaos na **Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang OSAEC Ngayon Summit […]
-
Fil-Canadian tennis player Leyla Fernandez tiniyak ang malakas na pagbabalik sa US Open
Umaasa si Filipino-Canadian tennis player Leyla Fernandez na magtatagumpay na sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro sa US Open. Ito ay matapos na mabigo siya kay Emma Raducanu sa finals ng US Open. Ikinumpara pa ng 19-anyos na si Fernandez ang sarili sa New York na matapos ang 20 taon na September […]