• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna

Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.

 

 

“Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na mayroon pong tinatawag na vaccine hesitancy na 30 percent lang daw po ang gustong magpabakuna…siguro po puwede nating pag-aralan kung isama na rin natin doon sa kundisyon para sa 4Ps ay ‘yong pagbabakuna,” ani Roque.

 

 

Sa dami anya ng mga benepisyaryo ng 4Ps na puro mahihirap, marami ang mababakunahan.

 

 

Balak na rin isama ang pagbabakuna kapag nagkaroon ng Bayanihan 3.

 

 

“Kung mayroon tayong future ayuda dahil hindi po natin alam kung magkakaroon rin nga tayo ng Bayanihan 3, eh siguro ‘yong mga makakatanggap din ng ayuda ikakabit na natin doon sa pagbabakuna ‘no na masigurado po na mas marami sa ating mga kababayan,” ani Roque.

 

 

Nilinaw naman ni Roque na hindi ito sapilitan at ibibigay lang sa mga gustong tumanggap ng ayuda. (Gene Adsuara)

Other News
  • MAX, nagdala ng mga gamit ni SKYE para mabawasan ang pagka-miss sa anak habang naka-lock-in taping

    NILANTAD na ni Max Collins ang balik-alindog ng katawan niya.     Mag-iisang taon na kasi noong sinilang niya ang baby boy nila ni Pancho Magno na si Skye.     Ngayon ay panay ang post ng aktres ng post baby bod niya sa social media.     “If you have no love for yourself or you don’t give […]

  • President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho

    DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.     Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan.     Pinangunahan ito […]

  • 3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

    Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang […]