• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan

Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa nagaganap na transaksyon ng illegal na droga sa lugar.

 

 

Nang respondehan, nakita ng mga pulis ang magkadikit na si Albert Baluyot Lim Jr, 43, tricycle driver at Denver Enriques Alano, 18, na nagtatransaksyon umano ng ilegal na droga subalit, nang mapansin ng dalawa ang mga parak ay mabilis silang nagpulasan.

 

 

Hinabol sila ng mga pulis at nang makorner ay nakuhanan ang mga suspek ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,360 ang halaga bawat isa.

 

 

Nakuhanan naman ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalias si Jade Pendon, 18, ALS student, at ang 17-anyos na binatilyo makaraang takbuhan ng mga ito ang mga tauhan ng NPD-DMFB na nagsasagawa ng Oplan Sita sa EDSA-Bagong Barrio, Quarantine Control Point (QCP), Caloocan city habang sakay ng isang motorsiklo dakong 12:45 ng madaling araw.

 

 

Nauna rito, alas-10:21 ng gabi nang arestuhin ng pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 5, NPD-DMFB at RDEU-NCRPO na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng EDSA corner F. Aguilar St. Brgy. 139 si Rodel Sebastian, 20, habang sakay ng minamanehong tricycle kasama ang dalawang binatilyong estudyante na kapwa 14-anyos ang edad makaraang tangkain tumakas ng mga ito nang hanapan ng lisensya at quarantine pass.

 

 

Nang kapkapan, narekober sa kanila ang dalawang medium plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na tinatayang nasa P3,770 ang halaga at isang improvised glass tube pipe. (Richard Mesa)

Other News
  • 350 sailors, marines nakiisa sa ‘ war fighting exercise’

    Nasa 350 Philippine Navy sailors at marines ang nakiisa sa war fighting exercise na kanilang tinawag na Exercise Pagbubuklod 2021 na isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.     Sa nasabing Joint Amphibious Operation on land and at sea nagpakitang gilas ang ilang mga bagong assets ng Philippine Navy at Marines.     […]

  • Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay

    Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho.   Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, […]

  • Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan

    ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na […]