• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30% ng mga residente sa NCR, nananatiling hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19 — Usec. Diño

MAY 30% pa rin ng mga residente sa National Capital Region (NCR) ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nababakunahan laban sa COVID-19

 

 

“Sa Metro Manila, puwede na kaming pumalo ng 30%,” ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

 

 

“Mataas ang herd immunity natin sa Metro Manila. Siguro pumalo na tayo sa more than 70%,” dagdag na pahayag nito.

 

 

“Makikita mo yan. Ito ang dahilan na kahit maraming nagkahawa-hawa sa atin dito sa Metro Manila, ‘yung mga nagkasakit, mild lang. Imbes na nawala ang oxygen, tapos ‘di ba ICU, ospital, ang pila, nasa botika. Nawala mga paracetamol,” aniya pa rin.

 

 

Gayunpaman, hindi aniya lahat ng barangay sa NCR ay nagsumite ng listahan ng mga residenteng kanilang nasasakupan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

 

 

“May mga nakasumite na lalo na sa mga maliliit na barangay at meron din tayo na malalaki, dito sa Quezon City, mga Commonwealth… Ang deadline naman ay hanggang matapos nila, pero ‘yung malalaking barangay siguro hanggang end of this month,” ani Diño.

 

 

Nauna nang ipinag-utos ng DILG sa barangay governments na magsumite ng “list of unvaccinated residents” bilang bahagi ng ipinatutupad na paghihigpit sa galaw ng mga hindi pa rin bakunado laban sa COVID-19.

 

 

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ng Pangulo sa mga barangay officials na diretsahin ang mga taong hindi pa bakunado laban sa COVID-19 na manatili sa kanilang bahay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso na pinaniniwalaang dala ng Omicron variant.

 

 

Sinabi naman ni Diño na malaki ang maitutulong sa pamahalaan ng listahan ng ng mga unvaccinated individuals sa pagdetermina kung ilan pa ang mga nangangailangan ng bakuna.

 

 

“Isa sa mga dahilan kaya kinukuha natin ang datos (pangalan ng mga hindi pa bakunado) para malaman namin kung gaano pa karaming bakuna ang ilalaan ng gobyerno para may numero tayo,” ayon kay Diño.

 

 

Samantala, pinaalalahanan naman ng Commission on Human Rights ang mga barangay officials na ang pagsusumite ng listahan ng mga unvaccinated residents ay hindi dapat magresulta ng paglabag sa right to privacy ng isang residente.

 

 

Ani Diño, ang mga makakasama sa listahan ay papakiusapan na magpabakuna laban sa COVID-19.

 

 

“Ngayon nga pinakikiusapan lang natin… Tutulungan ma-schedule [ang pababakuna],” aniya pa rin.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 1, 2020

  • JESSICA, pinupuri sa no holds barred interview sa apat na presidential candidates dahil walang pinalampas na isyu

    THANKFUL ang former child actor na si Miggs Cuaderno na nagkaroon ng book 2 ang Prima Donnas.        He plays the role of Coco in the widely-followed afternoon prime series on GMA.     “Siyempre po masaya kasi kasama pa rin po ako as Coco sa season 2 at makakasama ko po ulit ung […]

  • Nietes tindero na

    RUMARAKET muna sa kanyang maliit na negosyo si dating four-division world men’s professional boxing champion Donnie ‘Ahas’ Nietes lalo pa’t walang laban ngayong panahon ng COVID-19.   Ipinahayag kamakalawa ng 38-taong gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental ang pinagkakaabalahang trabaho.   “Nagtayo muna ako ng kaunting negosyo,”salaysay ni boksingero. “Nagtitinda ako ng […]