30% passenger capacity sa mga PUVs pinag-aaralang itaas sa 40% sa susunod na 2 linggo – DOTr
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
PAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na madagdagan pa ang passenger capacity sa mga public utility vehicles (PUVs) sa mga susunod na dalawang linggo.
Sinabi ito ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran matapos na iakyat sa 30 percent ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan simula ngayong araw.
Ayon kay Libiran, posibleng itaas pa ang bilang na ito sa 40 percent hanggang 50 percent sa susunod na dalawang linggo.
Ito ay depende na rin aniya sa guidance ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF- EID) sa mga susunod na araw at kung walang magiging problema sa gradual increase sa passenger capacity na sinimulang ipinatupad ngayong araw.
Kaya naman mahigpit ang bilin ng DOTr sa mga pasahero, pati na rin sa mga operators ng mga pampublikong sasakyan, na palaging isaisip at gawin ang tinaguriang “7 commandments” sa ilalim ng new normal:
1.Magsuot ng face mask at face shield;
2. Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono;
3. Bawal kumain;
4. Kailangang may sapat na ventilation;
5. Kailangang may frequent disinfection;
6. Bawal magsakay ng symptomatic passenger;
7. Kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing
Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga lokal na pamahalaan para sa biyahe ng mga provincial buses papasok at palabas ng Metro Manila.
Sinabi ni Libiran na noong nakaraang buwan ay nagkaroon ulit ng consultation meeting ang LTFRB sa iba’t ibang LGUs.
Kakaunti pa lamang aniya ang mga probinsya na nagpahayag ng kanilang approval para sa pagbubukas ng kanilang borders dahil sa banta pa rin ng COVID-19 pandemic.
-
Ancajas vs Rodriguez, kasado na ang sapakan
ILALABAN at buong tapang na Ipagtatanggol ni reig-ning International Boxing Federation (IBF) super flyweight world champion Jerwin Ancajas ang kanyang titulo laban kay Mexican challenger Jonathan Rodriguez sa Abril. Ito ang inihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kung saan pinag-aaralan pa ng kanyang grupo kung saan gaganapin ang laban. Si Rodriguez […]
-
Undercards sa Teofimo Lopez vs. George Kambosos fight sa Oct. 4 nakalatag na
Inanunsiyo ng promotional company na Triller ang iba pang magiging bahagi ng undercard sa mandatory fight sa pagitan nina Teofimo Lopez (16-0, 12 KOs) at George Kambosos (19-0, 10 KOs), na magaganap sa October 4, 2021 sa Hulu Theater ng Madison Square Garden. Kung maalala una nang itinakda ang banggaan ng dalawa noong […]
-
House oks drag racing ban ng PUV drivers
Isang mungkahi ng Mababang Kapulungan ang pinagtibay sa ikalawang pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng bus at jeepney drivers na mag drag racing sa mga pangunahing lansagan. Ang mahuhuling mga bus at jeepney drivers ay papatawan ng malaking multa at parusang pagkakabilango ng isang taon. Ito ang House Bill 8916 na gawa […]