• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300 employees ng Singaporean bank inilikas dahil sa COVID-19 case

AABOT sa 300 staff ng isang malaking bangko sa Singapore ang inilikas bilang precautionary measure laban sa coronavirus infectious diseases (COVID-19).

 

Ito’y kasunod ng ulat na isa sa mga empleyado ang na-diagnose sa sakit.

 

Sinabi ng isang International correspondent na si Mercy Saavedra Cacan, na isinailalim na sa 14-day home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng COVID-19 patient.

 

Katulong daw ng mga ito ang gobyerno sa pagmomonitor ng kanilang kondisyon.

 

Nago-opisina raw ang mga ito sa 43rd floor ng isang gusali.

 

Nananatili naman umano ang Singaporean government sa pangako nitong magsu-supply ng pagkain at pangangailangan ng mga apektadong residente.

 

Batay sa latest update ng pamahalaan, 47 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Singapore.

Other News
  • Ads September 24, 2024

  • Labor group, umapela ng P470 na dagdag sa minimum wage sa NCR

    UMAPELA ang Trade Union Congress of the Philippines ng P470 na dagdag sa minimum wage kada araw sa National Capital Region.     Kaugnay nito naghain ang labor group ng petisyon para sa pagtataas ng sahod sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWRB)-NCR office sa Maynila.     Inihayag ng grupo ang ilang kadahilanan […]

  • Barbosa tiwalang makakapasa sa Olympic Qualifying Tournament

    KUMPIYANSA!     Iyan ang saloobin ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 men’s taekwondo 54-kilogram gold medalist Kurt Barbosa sa susuunging Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Amman, Jordan sa papasok na buwan.     Nakabilang ang 21 anyos, isinilang sa Bangued, Abra, pambato ng National University at 2018 University Athletic Association of the Philippines […]