300K leak pipes, naayos ng Maynilad
- Published on February 25, 2021
- by @peoplesbalita
Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007.
Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may 22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng tubig na nasasayang dahil sa sirang mga tubo.
Ang Manuel V. Pangilinan-led water company ay naglaan ng may P189 million noong 2020 lamang para maisaayos ang mga pipe leaks na karamihan ay secondary at primary lines sa Quezon City, Parañaque, at Muntinlupa.
Ilan sa mga nadiskubreng leaks ay hindi visible aboveground at nangailangan pa ang kompanya ng paggamit sa state-of-the-art technology tulad ng Sahara® mobile leak detection system para madiskubre ang wasak na tubo ng tubig bago mai-repair.
Ang Sahara® system ay nadedetect ang leaks, naaayos ang trapped gas at structural defects sa linya ng tubig.
“Notwithstanding pandemic-related restrictions, we continue to deploy field personnel to sustain our leak detection and repair activities. The more leaks we are able to repair, the more we can improve water pressure in the pipelines,” sabi ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.
Sa ngayon ang Maynilad ay nagsusuplay ng malinis na tubig sa may 9.8 million katao sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan.
-
Catantan tumusok ng 14 na panalo sa US NCAA
PAMBIHIRANG husay at bangis ang niladladlad ni Pennsylvania State University athletic scholar Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas sa 81st National Collegiate Athletic Association Fencing Championship 2021 women’s foil event nitong Sabado (Linggo sa Maynila) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania. Nanalasa ng 14 na panalo ang 19 na taong-gulang, tubong Quezon […]
-
Ads November 28, 2020
-
BIANCA, mas demanding ang role bilang isa sa ‘Legal Wives’ ni DENNIS kumpara sa ‘Sahaya’
MARAMI nang naghihintay kay Bianca Umali sa bago niyang GMA Telebabad family drama series na Legal Wives. Hinangaan ng mga televiewers noon ang pagganap ni Bianca ng isa ring family drama series na Sahaya na tungkol din sa kultura ng mga Muslim, si Sahaya sa gitna ng mga hirap na pinagdaanan niya ay […]