3 sangkot sa droga kulong sa P238-K shabu
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang 38-anyos na byuda matapos makuhanan ng P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos, Rainier Cagumoc, 18 ng Brgy. 118 Caloocan City at Joan Tan, 38 ng Kaunlaran St. Brgy. Muzon.
Narekober sa mga suspek ang aabot sa 35 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P238,000 ang halaga at buy-bust money.
Ayon kay Col. Rejano, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Edison Dela Cruz sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Adonis Sugui ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Kaunlaran St. Brgy. Muzon dakong 12:30 ng madaling araw.
Matapos tanggapin ng mga suspek ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200. (Richard Mesa)
-
Napaganda pa dahil pang-primetime: SOFIA at ALLEN, inamin na kinabahan kung bakit ‘di naipalabas last year ang teleserye
INAMIN ng AlFia loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay na kinabahan sila kung bakit hindi pa raw naipalalabas last year ang kanilang natapos na teleserye na Luv Is: Caught In His Arms. Noong July 2022 pa raw nila natapos ang buong teleserye noong mag-lock-in taping sila sa Baguio City. October ang sinabi sa […]
-
Dating pulis Maynila patay sa pananambang, misis sugatan
NASAWI ang isang dating pulis Maynila habang sugatan ang misis nito nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek habang magkaangas sa motprsiklo sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Police Sgt Dranreb De Castro , 47, ng 407 Lallana St. sakop ng Brgy 93 Dist. 1 Tondo Maynila at dating […]
-
Bulacan inaugurates new youth rehabilitation center
CITY OF MALOLOS – To guide the children in conflict with the law (CICL) towards a better future, the Provincial Government of Bulacan headed by Governor Daniel R. Fernando together with the Provincial Social Welfare and Development Office inaugurated the new Tanglaw ng Pag-asa Youth Rehabilitation Center (TPYRC) located at Brgy. Bulihan in this city […]