• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30K MT importation para maging matatag ang suplay sa ‘closed fishing season’- BFAR

SINABI ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang pag-angkat ng 30,000 metric tons (MT) ng isda ay makatutulong para mapanatiling matatag ang suplay sa lokal na pamilihan sa panahon ng taunang ‘closed fishing season’ na itinakda tuwing Nov. 1 hanggang Jan. 31.

 


Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na ang supplementary importation ay makakapunan sa supply gap at matitiyak na matatag ang presyo sa lokal na pamilihan sa gitna ng inaasahang limitadong huli sa nasabing panahon.

 

“Para magkaroon ng pagkakataon ang ating mga mamimili na makapamili ng ayon sa kanilang budget, makapamili ng isda na hindi mabigat sa kanilang bulsa, kailangan may sapat na supply. So, may mga alternatibong supply para sa ating mga mamimili,” ang sinabi ni Briguera.

 

“Ang sinisiguro natin, mapanatili ang affordable na presyo ng ating mga isda sa mga palengke sa panahon ng closed fishing season.”aniya pa rin.

 

Tinuran nito na ang imported fish mula Vietnam at Tsina ay darating kada batch, simula sa katapusan ng Oktubre o unang linggo ng Nobyembre, tamang tama sa panahon para sa ‘closed fishing season.’

 

Nakatakda namang ipag-utos ng BFAR ang ‘closed fishing season’ sa North Eastern Palawan, pangunahing pinagkukuhanan ng galunggong o mackerel scad ng Pilipinas mula Nov. 1, 2024 hanggang Jan. 31, 2025.

 

Susundan naman ito ng ‘closed fishing’ sa Visayan Sea at Zamboanga Peninsula mula Nov. 15, 2024 hanggang Feb. 15, 2025 para sa small pelagic fish gaya ng sardinas.

 

Pinapayagan sa taunang ‘closed fishing season’ ang punuin ang fish stocks at pabilisin ang pagpaparami at paglago ng marine resources. (Daris Jose)

Other News
  • 6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust

    Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city.   Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]

  • Nakikita na ang aktres ang makakatuluyan: MARCO, naramdaman na si CRISTINE ang ‘the right one’ para sa kanya

    BUKOD sa panonood ng special screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na nagtatampok kina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hindi mo maiwasang tingnan ang sweetness ng lead stars na umamin nang real couple na sila.     Na ayon kay Marco ay nagsimula na siyang ma-attract kay Cristine nang una silang magkasama sa […]

  • 1-buwan libreng sakay sa MRT-3, simula sa Marso 28

    MAGKAKALOOB ng isang buwang libreng sakay ang   Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)  simula sa Marso 28, 2022.     Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, nabatid na tatagal ng mahigit isang buwan ang libreng sakay o hanggang sa Abril 30, 2022.     Ang naturang magandang balita ay inianunsiyo mismo ni […]