• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid

NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23.

 

Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom at nagpakaba sa Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na siyang punong abala ng nalalapit na torneo.

 

Pinaiiral ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease ang travel ban sa  maraming bansa na may kagayang kaso na rin sa UK.

 

Kabilang sa mga paparito para sa kompetisyon ang South Korea na dalawang ulit pang makakalaban ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball team at ang makakatuos sa isang laoro na Indonesia, ang host ng tournament proper sa Agosto 16-28 sa Jakarta.

 

Kinunan ng People’s BALITA ng reaksyon sina SBPI president Alfredo Panlilio at Renauld Barrios. Pero minabuti na lang muna hindi muna magkomento sa isyu.  (REC)

Other News
  • RURU, naglalakihan na ang braso at dibdib dahil sa ‘intense workout’; paghahanda para sa ‘Lolong’

    BORTANG-BORTA ang pangangatawan ni Ruru Madrid sa isang video post nito sa Instangram kunsaan nagwu-workout ito bilang paghahanda sa pagbibidahan niyang teleserye sa GMA na Lolong.     Naglalakihan ang mga muscles sa braso ni Ruru habang nagbubuhat ito ng weights. Kitang-kita rin ang malaking dibdib ng aktor na kinasasabikan na ng nga beking makita […]

  • 2 Azkals stars sinusulot ng Thailand

    Nakakuha ng offer mula sa Thailand league si Jarvey Gayoso matapos ang kanyang kampanya sa Azkals Development Team sa Philippines Football League (PFL).   Isiiniwalat ito ni ADT coach Scott Cooper na target umanong kuhanin ng Thai clubs ang serbisyo ni Gayoso matapos nitong mapanood ang laro nito sa kakatapos na PFL bubble kung saan […]

  • PBBM, pamilya binisita at nagbigay-galang sa namayapang ama na si Marcos Sr. nitong Undas

    GAYA ng milyon-milyong Filipino, hindi nakalimutan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  at ng kanyang pamilya  na bisitahin at magbigay-galang sa namayapang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa  Libingan ng mga Bayani (LNMB), araw ng Martes, Nobyembre 1.     Sa katunayan,  isang misa ang isinagawa para kay  Marcos Sr.     Kasama […]