• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

31st Southeast Asian Games pormal nang nagsara sa isang makulay at magarbong programa

MAKALIPAS ang mahigit dalawang linggo, pormal na ring isinara kagabi doon sa Hanoi, Vietnam ang 31st Southeast Asian Games sa isang makulay at magarbong programa.

 

 

Isinagawa ang selebrasyon sa indoor sports complex ng Vietnam na may capacity na 3,000 katao.

 

 

Ito ay sinabayan naman ng pagbuhos ng ulan sa labas ng venue.

 

 

Mas maliit na ang naturang bilang kumpara sa opening ceremony na halos magsiksikan ang libu-libong mga atleta sa My Dinh stadium.

 

 

Ang delegasyon ngayon ng Pilipinas na pumang-apat na puwesto sa final medal tally, ay naiwan na lamang ang kakarampot na grupo ni chef de mission at Phil. Sports Commission Commissioner Ramon Fernandez dahil ang bulto ng mga Pinoy athletes ay nakabalik na ng Pilipinas.

 

 

Hindi na rin pumarada ang mga atleta sa seremonyas kagabi.

 

 

Idineklara naman ni Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang pagtatapos na ng Games at pagdedeklara bilang pinakamatagumpay sa kabila na na-delay ito na noon pa sanang nakaraang taon pero naging matindi ang COVID pandemic.

 

 

Samantala, pormal na ring na-turn over ang responsibilidad ng 32nd edition ng SEA Games ng 11 mga bansa kung saan gaganapin naman ito isang taon mula ngayon doon sa bansang Cambodia.

Other News
  • ‘Gumawa ng paraan para mabakunahan lahat’

    Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government unit (LGU) na maghanap ng mabisa at sistematikong paraan para matukoy kung sino sa kanilang mamamayan ang hindi pa naturukan ng COVID-19 vaccine.     Sa kanyang “talk to the nation” nitong Lunes ng gabi sinabi ng pangulo na dapat gawin lahat ng mga LGU ang […]

  • P2-B pondo inilaan ng gobyerno para sa relief ops – Defense Chief

    Nasa P2 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.   Ito ang inihayag ni Defense Secretary at NDRRMC Chairman Delfin Lorenzana kasabay ng pagtiyak na ang lahat ng mga nangangailan ay pagsisilbihan sa takdang panahon.     Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang kalihim na […]

  • Gabby Lopez nag-resign na sa ABS-CBN

    BUMITIW na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation si Eugenio “Gabby” Lopez III.   Ang resignasyon ay dahil aniya sa “personal reasons”.   Bukod dito, umalis na rin si Lopez sa kanyang posisyon bilang director ng ABS-CBN Holdings Corp., Sky Vision Corp., Sky Cable Corp., First Philippine Holdings Corp., First Gen Corp., at […]