33 government officials sinuspinde ng 6 buwan sa Pharmally mess
- Published on March 25, 2023
- by @peoplesbalita
Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan ang 33 opisyal ng pamahalaan kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng pandemic supplies noong 2020 at 2021 o noong kasagsagan ng COVID-19.
Kabilang sa mga sinuspinde si Overall Deputy Ombudsman Warren Rex Liong na dating procurement group director ng Department of Budget and Management-Procurement Service (PS-DBM) at dating PS-DBM undersecretary Lloyd Christopher Lao.
Suspendido rin ang iba pang opisyal ng PS-DBM kaugnay ng Pharmally transactions sina Christine Marie Suntay, Fatimah Amsrha Penaflor, Joshua Laure, Earvin Jay Alparaque, Julius Santos, Paul Jasper De Guzman, Dickson Panti, Karen Anne Requintina, Rodevie Cruz, Webster Laureñana, Sharon Baile, Gerelyn Vergara, Abelardo Gonzales, Jez Charlemagne Arago, Nicole John Cabueños, Ray-ann Sorilla, Chamel Fiji Melo, Allan Raul Catalan, Mervin Ian Tanquintic, Jorge Mendoza, III, Jasonmer Uayan, August Ylangan.
Kasama rin sa suspension ang mga opisyal ng DOH na sina noo’y Assistant Secretary Nestor Santiago, Jr., procurement service director Crispinita Valdez, gayundin si Research Institute for Tropical Medicine officials Amado Tandoc, Lei Lanna Dancel, Dave Tangcalagan, Jhobert Bernal, Kenneth Aristotle Punzalan, Rose Marasigan at Maria Carmela Reyes.
Matatandaang pinangunahan ni dating senador Richard Gordon ang imbestigasyon sa kwestyunableng pag-transfer sa P42 billion COVID-19 budget mula sa Department of Health patungo sa PS-DBM.
Kabilang na dito ang P8.6 billion pondo na ginamit sa pagbili ng face masks, face shields, at personal protective equipment (PPEs) mula sa Pharmally Pharmaceuticals Corp. na mayroon lamang P625,000 paid-up capital nang pumasok sa transaksyon sa gobyerno.
Binigyang diin ng Ombudsman na may sapat na ebedensiya silang nakita upang maidiin ang mga naturang opisyal kaugnay ng Pharmally mess. (Daris Jose)
-
Kakaibang satisfaction ang naibibigay sa kanya: DINGDONG, malapit na sa puso ang hosting bukod sa acting
UMIYAK ang baguhang Sparkle actress na si Angel Leighton sa media conference ng upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Umiyak dahil sa tuwa si Angel dahil nakamit niya ang kanyang dream role na mapabilang sa isang action series.“Sobrang grateful ko. Dream role ko ‘to, yung action. “I’m so thankful […]
-
NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon
SI Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan. Ayon […]
-
Pinas matutulad sa US, Europe sa rami ng COVID-19 cases
Posibleng matulad umano sa Europa at Estados Unidos ang bilang ng COVID-19 sa bansa dahil sa desisyon ng pamahalan na muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo simula kahapon Pebrero 15. Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakakatakot ang desisyon ng gobyerno na muling pagluluwag ng restriction sa bansa. […]