• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila

TATLUMPU’T  apat na border checkpoint ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin nang pagsipa ng kaso ng COVID-19.

 

 

Layon nito na imonitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols.

 

 

Ayon kay NCRPO Chief P/Major Gen. Vicente Danao, ang nasabing mga checkpoints ay magsasagawa ng visibility patrols at random checking para matiyak na sumusunod ang mga public transport vehicles sa 70 % capacity ng mga pasahero.

 

 

Ang hakbang ay kasunod naman ng pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 gayundin ang Bulacan, Cavite at Rizal. Nitong Biyernes ay isinailalim na rin sa Alert Level 3 ang Laguna.

 

 

Tututukan din ang mga nagtutungo sa mga establisimento at iba pang mga commercial services na dapat ay  mga ‘fully vaccinated’ lamang. Kailangan umanong laging dala ng mga ito ang kanilang ID at vaccination cards.

 

 

Kabilang rin sa mahigpit na iniinspeksyon ay ang mga gumagamit ng motorsiklo sa pagbiyahe kung saan ang mga walang dalang COVID-19 vaccine cards ay binabalaan at pinababalik lalo na  ang mga nahaharang sa mga border checkpoints.

 

 

“Tayo po ay nagdedepende naman dun sa mga alituntunin din ng mga siyudad natin at yun ay inaassist natin sila, tinutulugan po natin para maimplement ng maayos dahil ang ating mandato ay matugunan or maprevent yung pagtaas o paglobo ng ating kaso dito sa Covid-19 at yung kanyang variant na Omicron,” ayon kay NCRPO spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson.

 

 

Nabatid na ang mga checkpoints na inilatag ng NCRPO ay katuwang rin ang mga pulis na iba pang mga security forces na nagbabantay dito.

 

 

Idinagdag pa ng opisyal na ang isinasagawa nilang checkpoints sa pagpapatupad ng minimum health protocols ay alinsunod naman sa lokal na ordinansa na ipinasa ng mga Local Government Units (LGUs ) sa Metro Manila.

 

 

Nabatid na mana­natili ang mga border checkpoint hanggang nasa Alert Level 3 ang NCR at mga karatig nitong lugar. Ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa Alert Level 3 hanggang Enero 15.

Other News
  • Kalye sa Navotas isinailalim sa 2-linggong lockdown

    Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Block 31, Lot 36, Brgy. NBBS, Dagat-dagatan sa Navotas City mula 5 December, 5:01am, hanggang 19 December, 11:59pm alinsunod sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alaman nila na may apat na nagpositibo sa COVID-19 […]

  • PANDEMIA. HINDI HADLANG SA KAMPANYA LABAN SA SA HUMAN TRAFFICKING- AYON SA BI

    HINDI naging hadlang ang nararanasang pandemia na hidi ipagpatuloy ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya laban sa human trafficking.   “As the world observes the World Day Against Trafficking in Persons today, 30 July 2020, we, in the BI, reaffirm and declare our unwavering resolve to combat human trafficking in our ports by […]

  • Pagbabalik ng ‘in person classes’ malaking tagumpay vs COVID-19 – VP Sara Duterte

    TINAWAG ni Vice president at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na “malaking tagumpay” para sa mga kabataang Pilipino ang pagsisimula ng in-person classes, Agosto 22.     Pinangunahan ng bise presidente ng bansa ang National School Opening Day Program nitong Lunes sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.     Sa kanyang talumpati, sinabi rito na buong […]