• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

36ers matikas ang exit sa NBL

MAGARBONG tinapos ng Adelaide 36ers ang kam­panya nito matapos ilampaso ang New Zealand, 93-63, sa 2021-22 Australia National Basketball League kahapon sa MyState Bank Arena sa Australia.

 

 

Nagpasiklab si 7-foot-3 Pinoy cager Kai Sotto na nagtala ng 12 puntos, pitong rebounds at apat na blocks para tulungan ang Adelaide na makuha ang panalo.

 

 

Winakasan ng 36ers ang ratsada nito sa liga tangan ang 10-18 baraha habang nahulog naman sa ilalim ng standings ang Breakers na may 5-23 rekord.

 

 

Usap-usapan na kung ano ang susunod na hakbang ng Pinoy cager.

 

 

Malaki na ang improvement sa laro ni Sotto.

 

 

Sa katunayan, ilang eksperto na ang nagsabi na handa na ito para sa NBA Rookie Draft.

 

 

Nakatakda ang NBA draft combine sa Mayo 16 hanggang 22 sa Chicago, Illinois.

 

 

Gaganapin naman ang NBA draft lottery sa Mayo 17.

 

 

Idaraos ang 2022 NBA Rookie Draft sa June 23.

Other News
  • Three months after na masagasaan ng snowplow: JEREMY RENNER, nakatatayo na at gumagamit na ng treadmill

    SOBRANG seloso pala ang boyfriend ni Jasmine Curtis Smith na si Jeff Ortega.   Sa pitong taon daw na may relasyon sila, nauunawaan na raw ni Jasmine ang pagiging seloso ni Jeff. Kaya tuwing meron sila ‘di napag-uunawaan, nagiging honest agad si Jasmine sa pagsabi kay Jeff kung ano ang diperensya nito.   “Mas na-practice […]

  • Iba ang dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur: KYLIE, naaawa na kay AJ kaya nilinis na ang pangalan bilang third party

    SA pamamagitan ng kanyang Facebook Live nitong February 26 ay buong tapang na hinarap ni Kylie Padilla ang mga bagay-bagay tungkol sa sinasabing love triangle nila nina Aljur Abrenica at AJ Raval.     Sa naturang post nilinis na si Kylie ang pangalan ni AJ na inaakusahang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.     […]

  • 250K Moderna vaccines parating sa Hunyo 27

    Inaasahang darating na sa bansa ang may 250,000 doses ng Mo­derna COVID-19 vaccines sa Hunyo 27.     Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na kabilang sa darating na bakuna ay ang binili ng mga pribadong sektor.     Bukod dito, dara­ting din sa Hunyo 24 ang karagdagang 1.5 milyong dose ng Sinovac at […]