• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

380 Pinoy sa Ukraine, hinikayat na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy

HINIKAYAT ng Philippine diplomats sa Warsaw, Poland ang 400 Filipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang lugar sa gitna ng ulat na napipintong Russian invasion.

 

 

“The Philippine Embassy in Warsaw closely monitors the situation of the approximately 380 Filipino nationals living in Ukraine, most of whom are in Kyiv and its environs and are therefore located far from the eastern border near Russia,” ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

May hurisdiksyon kasi ang Manila embassy sa Warsaw sa Ukraine.

 

 

Ang pag-atake ng Russia sa Ukraine “could come within days,” ayon sa mga opisyal ng gobyerno ng Estados Unidos.

 

 

Sinabi ni Jake Sullivan, national security adviser ni US President Joe Biden na “signs of Russian escalation, including new forces arriving at the Ukrainian border,” adding that a major assault could be launched “during the Olympics,” na nakatakdang magtapos sa Pebrero 20.

 

 

Tiniyak naman ng DFA na ang embahada ng Pilipinas ay nakikipag-ugnayan sa mga Filipino sa Ukraine, nakikipag-ugnayan sa Honorary Consulate General sa Kyiv.

 

 

“They are encouraged to contact the embassy, report any untoward incident they might observe in their respective areas, and continue monitoring their Filipino friends through social media,” ayon sa DFA.

 

 

“Hotline numbers of the embassy and Consulate General have been disseminated to the Filipino community,” dagdag nito.

 

 

Ang Pilipinas ay mayroong umiiral na labor deployment ban sa mga Filipino na papuntang Ukraine. (Daris Jose)

Other News
  • Putin, nililigaw ng kanyang sariling military advisers sa tunay na nangyayari sa Ukraine – US

    HINDI  rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia.     Habang ayon naman sa British intelligence ang Russian troops sa Ukraine ay na-demoralise na, kapos sa mga kagamitang pandigma at tumangging sumunod sa order ni Putin.     Wala pa namang inilalabas na komento sa ngayon ang Kremlin […]

  • Kasama ang mga makahulugang mensahe: KC, ibinahagi ang ‘di malilimutang regalo na binigay ni SHARON

    NOONG Mother’s Day, ipinakita si KC Concepcion sa kanyang YouTube vlog ang ilan sa mga hindi malilimutang regalo na natanggap niya mula kay Megastar Sharon Cuneta, kabilang na dito ang mga magagandang alahas. Ayon kay KC, tradisyon na sa kanilang pamilya na ipasa o ipamana ang mga alahas, na kung saan nakatanggap siya mula sa […]

  • Pamunuan ng Philhealth inatasan na bilisan ang pagbabayad sa ospital

    INATASAN ni Executive Secretary Salvador Medialdea si PHILHEALTH President Dante Gierran na bilisan ang pagpo- proseso ng pagbabayad sa mga ospital.     Ito’y sa harap na rin ng pahayag ng Private Hospital Association of the Philippines na napipilitan na silang magbawas ng mga tao bunsod na rin umano ng kakulangan na ng kanilang pondo […]