• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3K MGA ESTUDYANTENG NAVOTEÑO NAKATANGGAP NG SMART PHONES

Namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga smart phones na magamit ng 3,057 na mga estudyante ng public elementary at high school para sa school year 2020-2021.

 

 

Ang mga beneficiaries ay kabilang sa mga ideniklara nung enrolment na walang sariling mga gadget na kanilang magamit para online classes.

 

 

“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Samantala, nagbigay naman si Cong. John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) programs.

 

 

Ang TLC ay pinagsamang proyekto ni Cong. Tiangco at Department of Education-Navotas na inilaan upang tulungan ang mga nag-aaral ng K-12 na walang sinumang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa bahay nila.

 

 

Habang ang SOS naman ay donasyon drive na suporta sa pangangailangan ng mga K-12 students, kabilang ang mga smart phones, tablets, internet load, school supplies, at iba pa.

 

 

Maliban sa mga smart phones mula sa pamahalaang lungsod at kay Cong. Tiangco, tumanggap din ang DepEd-Navotas ng 25 unit-donation mula sa isang private organization. (Richard Mesa)

Other News
  • Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR

    INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.     Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines […]

  • Ads April 19, 2023

  • Wala nang “for later release” o FLR sa 2023 National Budget

    INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez, na mismong si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang nagsabi na wala ng FLRs sa susunod na taon.     Kasunod ito ng pag-ratipika ng Kamara sa panukalamg pambansang pondo para sa susunod na taon.     Matatandaan na marami sa mga mambabatas ang kumuwestiyon sa FLR na ipinatupad sa […]