• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3×3 basketball players ng bansa nasa Qatar na para sa 2020 FIBA 3×3 world tour

Nasa Qatar na ang Manila Chooks TM squad para sa pagsabak nila sa 2020 FIBA 3X3 world Tour Doha Masters.

 

Kinabibilangan ito nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan.

 

Naging pahirapan ang kanilang pagbiyahe dumating lamang ang kanilang bisa anim na oras bago ang kanilang biyahe.

 

Sinabi ni Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascarinas, na gumawa ng paraan sina FIBA 3×3 senior manager Ignacio Soriano at 3×3 event and partners associate Valentina Mattoli para makakuha ng visa ang mga manlalaro kahit na sila ay kasalukuyang nasa Spain.

 

Pagdating nila sa Qatar ay sasailalim sila sa mandatory room quarantine sa kanilang hotels at makakalabas lamang sila kapag natanggap na nila ang resulta ng kanilang RT-PCR tests.

 

Ang mga manlalaro na mula sa Zamboanga City ay nagkampeon noong nakaraang linggo sa Chooks-To-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup.

Other News
  • Binasag na rin ang katahimikan: BEA, isiniwalat na mutual decision nila ni DOMINIC na maghiwalay

    BINASAG na ni Bea Alonzo ang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ni Dominic Roque.   After na pinagpiyestahan ang break up nilang dalawa ay nanahimik si Bea na lumipad patungong Singapore kasama ang buong pamilya niya, huh!   Ngayon ay binasag na ng Kapuso aktres ang katahimikan. Thru her Instagram post binanggit ni Bea na […]

  • Tulak isinelda sa P500K shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P.5 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak ng ilegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos matimbog sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Tyrone Dimaano alyas […]

  • Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]