• December 1, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang gwalang paglabag sa batas

SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (Na- tional Cultural Heritage Act of 2009) THAT FORBIDS THE RENAMING OF DEL MONTE AVENUE IN QUEZON CITY, ALSO AP- PLIES TO ROOSEVELT AVENUE. Dagdag pa dito na BY VIRTUE OF ITS LONG USAGE AND BEING MORE THAN 50 YEARS OLD, ROOSEVELT AVENUE IS CONSIDERED A HISTORICAL STREET NAME AS PER RA10066, AND THEREFORE IT CANNOT BE RENAMED. Nilagdaan ito ni Dr. Rene Escalante, Chairman.

 

Upang mabasa ang kabuuang sulat ay nakapost po ito sa LCSP dahil ito naman ay ipinamahagi noong public hearing at nasa record na ng committee. Ibig sabihin DEL MONTE MAN O ROOSEVELT AYON SA BATAS AY HINDI DAPAT PALITAN. Pero bakit may panukala pa rin na Roosevelt “na lang” ang palitan imbes n sa Del Monte.

 

May political commitment ba dito at kahit mismong batas ay kayang palusutan para dito? Magiging masaya kaya si FPJ na ipangalan sa kanya ang isang kalsada samantalang may pag LABAG SA BATAS? Bakit hindi tayo maghanap ng karangalan para kay DA KING na hindi mamamantsahan ang kanyang pangalan. Wala na bang ibang paraan?

 

May mungkahi po ako na baka po mapakinggan at makatulong sa ating mga konsehal. Sa Kongreso ay binawi na nila Cong. BH Herrera at Cong Onyx Crisologo ang pagsuporta sa Del Monte na mapalitan to FPJ matapos na inayawan ito ng mga taga Del Monte mismo.

 

Marahil ay pwedeng bawiin ang MISMONG BILL at hindi lang ang pagsuporta dito. Mahalaga ang pagbawi ni Cong. Crisologo dahil Distrito niya mismo ang usapin dito.

 

Kaya habang hindi pa naipapasa sa Senado ay bawiin na sa House of Representatatives kung maaari. Pag walang House version ay hindi maaring maging batas DEL MONTE O ROOSEVELT man ang palitan.

 

Pero hanggat may pasadong Bill sa House at naipasa ito sa Senado at pinalitan ang Del Monte ng Roosevelt ay maaring maihain sa Presidente at malagdaan upang maging batas. Pero teka anong silbi ng sinabi ng National Historical Commission na labag sa batas ito? Wala bang bigat ang opinion ng National Historical Commission para sa mga mambabatas natin?

 

Marahil ay hindi naman ganoon ang mangyayari kung may ibang paraan para mabigyang parangal si FPJ ng hindi lalabag sa batas. Ilang mungkahi ay pagpapangalan sa isang paaralan ng FPJ High School of Arts. O kaya ay isang monumento katulad sa Maynila o kalyeng wala pang pangalan na ginagawa ng DPWH sa build build build program nila. O kaya ay yung mga kalsada sa “numero” o “generic” ang mga pangalan.

 

Maaring konsultahin ulit ang NHCP at ang mga taga West Avenue. Dahil yun dating South Avenue ay ginawang Timog Avenue? Wala sino man ang tututol na bigyan parangal si DA KING pero dapat naayon sa batas. Dahil mismo si FPJ ay hindi papayag sa gawaing ILLEGAL.

 

Ngunit kung sasagasaan lang ang ano mang kalye for “political accomodation” o pangakong pulitikal, marahil ay hindi parangal kay FPJ ang nais gawin kundi pamumulitika? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date

    MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date.     Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]

  • PLASTIC CRISIS TINALAKAY NG UN SA FRANCE, QC MAYOR BELMONTE KUMATAWAN SA MGA CITY MAYORS AND LEADERS

    KINATAWAN ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mayor at city leaders sa buong mundo sa isinagawang high-level event ng United Nations Treaty on Plastic Pollution sa Paris, France na pinangasiwaan ng French Government at United Nations Environment Programme.     Sinabi ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga […]

  • Pinoy top challenger Magsayo at WBC champ Russel Jr nagkaharap sa final presscon bago ang big fight

    NAGKAHARAP kanina sa final press conference sina WBC featherweight world champion Gary Russell Jr at ang wala pang talo at top Pinoy challenger na si Mark “Magnifico” Magsayo bago ang big fight sa Linggo.     Ginanap ang harapan ng dalawa sa Borgata Hotel Casino & Spa sa Atlantic City sa New Jersey.     […]