• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING

UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8.

 

Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts ng kani-kanilang team para sa nasabing tournament na gagamitan ng International Basketball Federation (FIBA) rules.

 

“These 14 teams will be divided into two groups of seven. There will be a total of 42 elimination games and 14 playoff games per conference,” anang opisyal.

 

Ang semifinals at finals ay parehas na best-of-three series.

 

“We intend to put up a pot money which we still have to determine for the winning teams,” ayon kay Rosales.
Ang mga laro ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa pagitan ng mga nakatakdang doubleheader sa ng mga koponan na nakatakdang maglaro sa napagkasunduang araw. Ang torneo ay bukas para sa lahat.

 

“There will be no age restrictions,” wakas ni Rosales, habang ipinaliwanag na bawat koponan ay dapat na may apat hanggang anim na players habang papayagan na may dalawang Fil-foreigner para makapaglaro.

 

Nagpasalamat naman si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President at Meralco Governor Al Panlilio sa PBA sa pagsuporta nito sa 3×3 program.

 

“If we want to be serious with 3×3, we make it a stand-alone tournament,” sabi ni Panlilio.

 

Naniniwala ang SBP prexy na ang 3×3 ay isang sport kung saan maaaring makapasok ang mga Filipino sa Olympics.
“If not in 2020, maybe in the next one (2024) in Paris,” dagdag niya.

 

Ang hakbangin ng PBA ay makatutulong umano upang masundan ang tagumpay ng bansa sa 3×3 kasunod ng gold medal finish ng men at women’s teams noong 2019 Southeast Asian Games.

 

Bagamat walang magaganap na draft para sa 3×3 players, bibigyan ng karapatan ang lahat ng kasaling teams na mamili kung sinu-sino ang paglalaruin nila sa torneo.

 

Gayunpaman ay nilinaw ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi awtomatikong makapapasok sa professional ranks ang mga 3×3 player.

 

Dinugtong pa ni Marcial na ang torneo ay isang stand-alone na torneo na katulad sa PBA D-League bilang parte ng commitment ng liga na tulungan ang SBP kung saan isa ang liga sa mga major stakeholder.

 

“Importante ito hindi lang naman sa PBA pero para sa bansa natin,” aniya.

 

Ang 3×3 games ay gaganapin kasabay ng regular PBA play dates sa Metro Manila.

Other News
  • Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

    HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.   […]

  • KIM, walang regrets na magkontrabida dahil natikman na ring maging bida

    BIGLANG nagkaroon ng reunion ang Hashtag members sa naging bachelor’s party ni Nikko Natividad.   Ikakasal na kasi si Nikko sa fiancee niyang si Cielo Eusebio at naging daan ang kanyang stag party para muli niyang makasama sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.         Dahil bawal pa […]

  • After ng post sa IG story ng anak… Mayor FRANCIS, ipinagdiinang walang relasyon sina AMANDA at DANIEL

    NAGSALITA na ang First Daughter ng San Juan na si Amanda Zamora na patuloy na nali-link kay Daniel Padilla.       Hindi na nga bago ang Star Magic talent sa mata ng publiko dahil napanood na ito sa ‘Pinoy Big Brother Connect’ noong 2021.       At ngayon nga ay muling pinag-uusapan ang […]