3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8.
Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts ng kani-kanilang team para sa nasabing tournament na gagamitan ng International Basketball Federation (FIBA) rules.
“These 14 teams will be divided into two groups of seven. There will be a total of 42 elimination games and 14 playoff games per conference,” anang opisyal.
Ang semifinals at finals ay parehas na best-of-three series.
“We intend to put up a pot money which we still have to determine for the winning teams,” ayon kay Rosales.
Ang mga laro ay tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes sa pagitan ng mga nakatakdang doubleheader sa ng mga koponan na nakatakdang maglaro sa napagkasunduang araw. Ang torneo ay bukas para sa lahat.
“There will be no age restrictions,” wakas ni Rosales, habang ipinaliwanag na bawat koponan ay dapat na may apat hanggang anim na players habang papayagan na may dalawang Fil-foreigner para makapaglaro.
Nagpasalamat naman si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President at Meralco Governor Al Panlilio sa PBA sa pagsuporta nito sa 3×3 program.
“If we want to be serious with 3×3, we make it a stand-alone tournament,” sabi ni Panlilio.
Naniniwala ang SBP prexy na ang 3×3 ay isang sport kung saan maaaring makapasok ang mga Filipino sa Olympics.
“If not in 2020, maybe in the next one (2024) in Paris,” dagdag niya.
Ang hakbangin ng PBA ay makatutulong umano upang masundan ang tagumpay ng bansa sa 3×3 kasunod ng gold medal finish ng men at women’s teams noong 2019 Southeast Asian Games.
Bagamat walang magaganap na draft para sa 3×3 players, bibigyan ng karapatan ang lahat ng kasaling teams na mamili kung sinu-sino ang paglalaruin nila sa torneo.
Gayunpaman ay nilinaw ni PBA Commissioner Willie Marcial na hindi awtomatikong makapapasok sa professional ranks ang mga 3×3 player.
Dinugtong pa ni Marcial na ang torneo ay isang stand-alone na torneo na katulad sa PBA D-League bilang parte ng commitment ng liga na tulungan ang SBP kung saan isa ang liga sa mga major stakeholder.
“Importante ito hindi lang naman sa PBA pero para sa bansa natin,” aniya.
Ang 3×3 games ay gaganapin kasabay ng regular PBA play dates sa Metro Manila.
-
Biglang nadamay si Alden sa balitang breakup: SAM at CATRIONA, kumpirmadong may pinagdaraanan na sana’y ma-resolve pa
KINUMPIRMA na ng Cornerstone Entertainment, ang talent management nina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray, na may pinagdaraanan ang engaged couple. Ginagawa raw nila ang lahat para maayos ang anumang problema na hinaharap ng magkarelasyon. Ayon sa official statement, “We at the Cornerstone, as the talent management agency representing […]
-
Pinakabagong resulta ng OCTA Research survey, ikinatuwa ng Malakanyang
IKINATUWA ng Malakanyang ang pinakabagong resulta ng OCTA Research December 2021 Tugon ng Masa National Survey, na nagbibigay diin sa dalawang mahalagang puntos. Tinukoy ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pagbaba sa 5% ng COVID-19 vaccine hesitancy sa mga adult Filipino at tanging 2% lamang ng adult Filipino ang […]
-
National athletes komportable sa ‘Calambubble’
Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taekwondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran. “It’s great here po,” […]