4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK
- Published on September 10, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.
Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, 20, Chris Bayron, 20, at Wynzel Tan, 19.
Sa tinanggap na report ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega, nagpaparulya sina PCpl Rosario Cruz at PCpl Ian Baggay ng Sub-Station 1 sa West Service Road, Brgy. Paso De Blas nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang hinggil sa isang hindi kilalang tao na isinilid sa sako bago iniwan sa gilid ng kalsada.
Nang respondehan, nadiskubre ng mga pulis ang nasa loob ng naturang sako ay si Habagat habang ang tatlong kasama nito na kumukuha ng video sa sako ay naaktuhang nagtatago malapit sa lugar.
Inamin ng mga suspek na sinubukan lamang nilang maglaro ng kalokohan sa mga dumadaan sa naturang lugar at balak umano nilang i-upload ang video sa social media.
Ayon sa pulisya, ang insidente ay magbibigay ng alarma sa publiko kaya dinala nila ang apat sa himpilan ng pulisya saka kinasuhan ng alarm and scandal at inisyuhan din ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa ordinansang nagmamandato ng social distancing at paggamit ng quarantine pass. (Richard Mesa)
-
Olympian silver medalist Carlo Paalam kailangang sumailalim sa operasyon – coach
Kailangan na umanong makauwi ni 2020 Tokyo Olympics boxing silver medalist Carlo Paalam pabalik sa kanyang pamilya sa Cagayan de Oro City. Ito ay upang sumailalim sa operasyon dahil sa iniinda nitong karamdaman sa kanyang kaliwang kamay at balikat na nakuha niya noong hinarap niya ang boksingerong Hapon sa semi-final round sa Japan […]
-
Mas marami pang ruta ng bus, dyip, UV bubuksan ng LTFRB
Magbubukas pa ng mas maraming ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga bus, jeep, at UV Express units sa mga susunod na araw. “We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” ani […]
-
Kelot nagbigti dahil sa depresyon
Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city. Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero. Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]