• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nagbigti dahil sa depresyon

Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.

 

 

Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangkin babae ng biktima upang umihi.

 

 

Subalit, laking gulat na lamang ng bata nang makita niya ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

 

 

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano.  (Richard Mesa)

Other News
  • GISING SA MGA ABUSADO

    “Mali ang ginawa, pero totoo ang mga sinabi niya.”   Ito ang karamihang reaksiyon sa halos sampung oras na hostage-taking sa isang mall sa Greenhills, San Juan nitong nakalipas na araw na kinasangkutan ng isang security guard.   Sa social media mas marami ang umayon sa kanyang panig, sumasalamin siya ngayon sa mayorya ng mahihirap […]

  • INTERNET VOTING TEST RUN ISASAGAWA

    MAGSASAGAWA ng inisyal na bahagi ng internet voting test run  ngayong weekend ang Commission on Election (Comelec) .     Sa abiso, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang aktibidad ay itinakda magsimula sa  Saturday (Sept. 11) ng alas 8 ng umaga (Manila time) at aabot ito hanggang Lunes  (Sept. 13) ng alas  8 […]

  • BULACAN SUPPORTS PLANTSMART

    Sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga kinatawan mula sa Smart Communications, Inc. sa isinagawang ceremonial turnover ng 25 kahon ng #PlantSmart Planting Kits sa Grupo ng mga Single Parent ng Bulacan bilang isa sa kanilang mga benepisyaryo matapos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, […]