• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.

 

 

“Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay pinaigting, katuwang ng ibang national agencies ang four-door strategy,” ayon kay Health undersecretary Abdullah Dumama Jr. sa lingguhang “Talk to the People.”

 

 

Kabilang sa istratehiya ay pagpapatupad ng mga restriskyon sa mga biyahero at pagpapatupad ng ban bilang pangunahing lebel ng depensa at dagdag sa umiiral na mga health protocols na ipinatutupad kontra COVID-19.

 

 

Pagsasagawa ng ‘scree­ning, testing at qua­rantine’ sa mga ‘points of entry’ para mabawasan ang banta na posibleng madala ng mga biyahero na maaaring magdulot ng lokal na pagkalat ng virus.

 

 

Pagpapalakas ng im­plementasyon ng ‘prevent-detect-isolate-reintegrate strategies’ para agad na matukoy at maihiwalay kung sino man ang dadapuan ng virus.

 

 

At pagpapalakas ng kapasidad pangkalusugan at ‘critical care’ para masagupa ang inaasa­hang surge ng mga kaso at matiyak din ang tama at napapanahon na panga­ngalaga sa mga pasyente.

 

 

“Ating pagtitibayin ang screening process sa borders para maiwasan ang pagpasok sa bansa,” ayon kay Dumama. (Daris Jose)

Other News
  • Netflix Gives A Glimpse Of Fuffy And Fream’s Unusual Relationship In ‘My Amanda’

    IN her new film on Netflix, it looks like Alessandra de Rossi of Kita Kita and Through Night and Day will break our hearts once again.     Netflix finally unveiled the official trailer of My Amanda, giving us a glimpse of the chemistry between Alessandra de Rossi’s Amanda and Piolo Pascual’s TJ, best friends who are seemingly on […]

  • 100% WORK CAPACITY, IPATUTUPAD NA SA TANGGAPAN NG BI

    INANUNSIYO ng  Bureau of Immigration (BI) na nagtaas na sila ng 100 percent na kapasidad sa kanilang mga trabaho sa lahat ng kanilang tanggapan sa National Capital Region (NCR) simula March 01.      Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang pagbabago sa kanilang bagong work scheme ay bilang pagtupad sa desisyon ng gobyerno […]

  • Isang malaking tagumpay ang ‘Miss Manila 2023’: Pambato ng Malate na si GABRIELLE, nasungkit ang korona

    ISANG malaking tagumpay ang ginanap na Miss Manila 2023 nitong June 23, Biyernes ng gabi, sa The Metropolitan Theater sa Maynila.  Ang mga hosts ng prestihiyosong beauty pageant ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapuso/Sparkle male artist Rayver Cruz.   Ang mga bumuo naman sa panel of judges ay sina   Crystal Jacinto […]