Walang ‘house-to-house’ search sa COVID-19 patients – Palasyo
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
Walang magaganap na house-to-house para i-test ang mga mamamayan at matukoy kung sino ang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya.
Sa panayam sa ANC, sinabi ni Roque na ang mga may sintomas o may COVID-19 ay dapat aniyang i-report ng kanilang mga kamag-anak o barangay o mismong ng pasyente.
Mas maaalagaan din sa mga quarantine facilities ang mga positibo sa COVID-19.
Idinagdag nito na may kapangyarihan ang gobyerno na ilipat sa mga quarantine facilities ang mga pasyente upang mapangalagaan ang kalusugan ng iba na hindi pa nahahawa.
Sa Laging Handa press briefing noong Martes, sinabi ni Roque na nilinaw sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ang pupuwede lamang mag-home quarantine ay ‘yong may mga sari-ling kuwarto, may sariling toilet at walang kasamang matanda, may sakit o buntis.
Ang mga walang sa-riling kuwarto at sariling banyo pero positibo sa COViD-19 kahit pa asymptomatic ang susundiin aniya ng Oplan Kalinga. (Gene Adsuara)
-
Nag-file na ng kaso laban sa sindikato… PAUL at MIKEE, na-scam sa cryptocurrency, milyones ang nawala
SOBRANG pasabog si Kim Chiu sa ‘Linlang!’ Grabe, ibang-ibang Kim ang mapapanood sa kanya. ‘Yung bungisngis na personalidad ni Kim, pwedeng sabihin na mapanlinlang pala. Sa ‘Linlang’, first time ni Kim na tumodo sa mga daring at intimate scene niya with Paulo at JM. Ayon kay Kim, nagtiwala na lang daw […]
-
Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila
IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod. Ang direktiba ay ibinigay kay Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa […]
-
Open na makapag-guest sa shows ng GMA: VICE, nalungkot pero walang galit sa TV5 at ‘di sinisisi ang TVJ
NGAYONG July 26 na ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ng reel & real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang romantic-drama na “The Cheating Game” na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures. Abala na nga sa mga promotion ang JulieVer at in fairness, nakikita […]