• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 DRUG PERSONALITIES HULI SA 408-K SHABU

NASAMSAM sa apat na hinihinalang drug personalites na nasakote ng pulisya sa buy-bust operation ang higit sa P.4 milyon halaga ng shabu sa Caloocan city.

 

 

Kinilala ni PLTCOL Giovanni Hycenth Caliao I, hepe ng NPD-DSOU at DDEU ang mga naarestong suspek na si Rommel Villanueva, 40, Arthur Peñalosa, 42, Hernan Potoza, 23, at Resty Santiago, 26, habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasama na si Yuki Paragatos ng Navotas city.

 

 

Bandang ala-1:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan, kasama ang team ng SWAT/DMFB ang buy-bust operation sa Blk 56, Lot 25, Phase 2 F3, Dagat-dagatan, Brgy. 8, Caloocan city matapos ang natanggap na report na ang mga suspek ang nagpapakalat ng illegal na droga sa Brgy’s 8 at 26 at iba pang mga barangay sa CAMANAVA area.

 

 

Nakagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover na nagpanggap na poseur-buyer ng P7,000 halaga ng shabu.

 

 

Nang magkaabutan na ng droga at marked money ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek na naaktuhan pang sumisinghot ng shabu ang iba sa kanila habang nagawa namang makatakas ni Paragatos.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 60 gramo ng shabu na nasa P408,000 ang halaga, P7,000 buy-bust/boodle money, ilang drug paparaphernalia at cellphone. (Richard Mesa)

Other News
  • Nakaka-relate dahil sa struggle na hinaharap ni ICE: LIZA, humanga rin sa katapangan ni JAKE na mag-post kahit bina-bash

    KUNG marami ang nam-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya.     Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.     “I admire him and […]

  • NAIA parking fee tataas

    Nag-anunsyo ang Manila International Airport Authority (MIAA) na tataas ang sinisingil na y mga buses ay magbabayad ng P100 at ang kotse ay sisingilin ng P50 kasama na rin ang motorcycles na kailangan magbayad ng P20 sa unang dalawang oras. Habang sa susunod na oras pagkatapos ng dalawang oras o di kaya ay ang fraction […]

  • NAVOTAS NAGAMIT NA LAHAT NG ASTRAZENECA ALLOCATION

    NAGAMIT na lahat ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang allocation ng Oxford-AstraZeneca Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccines.     Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,586 vials ng AstraZeneca mula sa national government’s March at May vaccine distribution. Ang bawat vial, depende sa manufacturer ay maaaring maglabas ng siyam hanggang 10 buong dosis.     Hanggang […]