4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela
- Published on April 8, 2021
- by @peoplesbalita
Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.
Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng buy bust operation sa Beside Shell Gasoline Station sa 10th Avenue, Brgy. 62, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lester Tanaleon, 24 ng C. Namie St. 2nd Aveune Brgy. 38, at Michelle Mendoza, 25, ng Quezon city.
Narekober sa mga suspek ang nasa 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P81,600 ang halaga, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 at anim na pirasong P1,000 boodle money at coin purse.
Sa Valenzuela, arestado nina PSSg Gilbert Orellanoat PSSg Richard Cruz ang dalawang construction worker na si Melvin Evangelista, 29, at Lord Erwin Demillo, 25, matapos tangkain takasan habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 na nagsasagawa ng checkpoint sa kahabaan ng Gulod St., Brgy. Bignay dakong 7:50 ng gabi.
Ani SDEU investigator PSSg Carlos Erasquin Jr., nakuha ni PSSg Cruz kay Evangelista ang isang smartphone na naglalaman ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, cigarette box na naglalaman ng 7 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P240 cash at ang motorsiklo habang narekober naman ni PSSg Orellano kay Demillo ang dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu at isang cellphone.
Napagalaman din ng pulisya na walang driver license si Evangelista habang nagmamaneho ng motorsiklo at inisyuhan din sila ng Ordinace Violation Receipt dahil sa paglabag sa quarantine curfew. (Richard Mesa)
-
Sotto todo na ang G League training
MAHIGIT isang linggo na nagt-training camp si Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa Ignite Team para sa paglalaro sa nalalapit na pagbubukas sa taong ito ng 19th National Basketball Association (NBA) Gatorade League sa Estados Unidos. Kasama ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom na nasa Walnut Creek, California na sina […]
-
Tiniyak ng DA: walang pagtaas o paggalaw sa presyo ng gulay sa NCR dahil kay bagyong Florita
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magaganap na pagsirit sa presyo ng gulay sa Kalakhang Maynila sa kabila ng matinding epekto ng Severe Tropical Storm Florita. Ang katuwiran ni DA Undersecretary Kristine Evangelista, patuloy silang nagsasagawa ng assessment upang ma-identify ang halaga ng pinsala sa agrikultura at maging i-monitor ang suplay […]
-
Lider ng Bayan Muna, utas sa shootout!
Patay ang sinasabing lider ng militanteng grupong Bayan Muna sa lalawigang ito matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa ikinasang pagsalakay bitbit ang isang search warrant kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City. Bulagta ang target sa operasyon na si Emmanuel Araga Asuncion, nasa hustong gulang, residente ng Block 2 Lot […]