• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lider ng Bayan Muna, utas sa shootout!

Patay ang sinasabing lider ng militanteng grupong Bayan Muna sa lalawigang ito matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa ikinasang pagsalakay bitbit ang isang search warrant kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City.

 

 

Bulagta ang target sa operasyon na si Emmanuel Araga Asuncion, nasa hustong gulang, residente ng Block 2 Lot 5 Florenceville Subd., Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite, at umano’y lider ng Bayan Muna movement organizations matapos may ­ilang minutong pakikipag-engkuwentro umano sa rai­ding team.

 

 

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, alas-5:30 ng madaling araw nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU4A), Dasmariñas City Police-PIB, MIG4 -ISAFP, Rizal Police at Police Regional Office 4A ang search warrant operations laban kay Asuncion na nasa CTG Target Personalities ng Cavite.

 

 

Bitbit ng grupo ang Search Warrant No. 21-31048-49 para sa kasong paglabag sa R.A 10591 at RA 9516 na ­inisyu ni Jose ­Lorenzo Dela Rosa, 1st Vice ­Executive Judge ng RTC, NCJR, Branch 4, Manila at isinilbi sa bahay ni Asuncion.

 

 

Gayunman, sa halip na sumuko, kumaripas umano ng takbo si Asuncion at nakipagpalitan pa ng putok sa mga ­operatiba.

 

 

Nang humupa ang habulan at engkuwentro, nakitang nakabulagta ang suspek at nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine ng cal. 45 na kargado ng mga bala at 4-fired cartridges. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘Bayanihan, Bakunahan 4’ target na mabakunahan ang mas marami pang seniors

    NAKATAKDANG magdaos ang Pilipinas ng pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” sa Marso 7, target na mabakunahan nito ang mas marami pang senior citizens.     “Nag-announce na si (National Task Force Against Covid-19 Deputy Chief Implementer and testing czar) Secretary (Vince) Dizon, about the week of March 7 ang ating NVD (National Vaccination Days) 4, we […]

  • FDCP, Ipagdiriwang ang Pinakaunang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre

    MAYNILA, PILIPINAS, AGOSTO 26, 2021 — Simula ngayong taon, ang Pilipinas ay opisyal na ipagdiriwang at gugunitain ang heritage, significance at legacy ng Philippine Cinema sa Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre, ang buong buwan na taunang selebrasyon na isinautos ni President Rodrigo Duterte.       Ang Film Development Council of Philippines (FDCP), bilang nangungunang […]

  • NORA, matsa-challenge na naman sa pagtanggap sa lead role ng ‘Kontrabida’

    ISA na naman challenge sa kanyang career ang tatahakin ni Superstar Nora Aunor sa pagtanggap niya ng lead role sa Kontrabida, ang bagong obra ni Direk Adolfo Alix, Jr. under Godfather Productions ni Joed Serrano.     Nauna na ang anunsiyo last December na may gagawin project si Ate Guy sa produksyon ni Joed at […]