4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU
- Published on September 17, 2020
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34, (pusher/listed).
Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila.
Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover pulis na nagpanggap na poseu-buyer ng P1,000 halaga ng shabu at napagkasunduan ng mga ito na magkita sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog.
Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.
Nakumpiska sa mga suspek ang 49 plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga at buy-bust money.
Sasampahan ng pulisya ng kasong Sec. 5 (sale) at Sec 11 (possession dangerous drugs) Art II of RA 9165 ang mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Duterte, Bato ipinatatawag ng House sa drug war EJKs
NAGPADALA na ng imbitasyon ang House Quad Committee kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Bong Go at Bato dela Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng extra judicial killing at reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon. “Nagpadala na kami ng imbitasyon kay ex President Duterte, kay Senador Go at Senador Bato,” ayon […]
-
SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan
BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumanggap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024. Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS […]
-
DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na
Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca. Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand. “Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very […]