• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 17th, 2020

4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34, (pusher/listed).

 

Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover pulis na nagpanggap na poseu-buyer ng P1,000 halaga ng shabu at napagkasunduan ng mga ito na magkita sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 49 plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga at buy-bust money.

 

Sasampahan ng pulisya ng kasong Sec. 5 (sale) at Sec 11 (possession dangerous drugs) Art II of RA 9165 ang mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

PDu30, kursunadang bumili ng vaccine kontra Covid-19 sa Russia at China

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KURSUNADA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumili ng vaccine kontra  Covid-19  mula sa Russia at China.

 

Subalit, kailangan lamang ani Pangulong Duterte na ang vaccine na magmumula sa Russia at China ay “equally good and effective” gaya ng  ibang   vaccine  na inimbento ng ibang bansa.

 

“We cannot be complacent. I said by December there will be some I think trials. No, ganito ha, if the vaccine of Russia and China are equally good and effective, just like any other vaccine invented by any country, I will buy first. But then alam mo I hope that the Chinese and Russian government that when we buy, we have to go into a bidding,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

 

“So the Russian and the pharmaceutical companies of China can very well join us,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Pinili ng Chief Executive ang dalawang nasabing bansa dahil  noong naghirap aniya ang Pilipinas  at sa tingin aniya niya ay  “there was nothing at all in sight, sa paningin natin, we were aimlessly — para tayong barko namatayan ng makina. So we were drifting in a seashore tapos dumating itong bagyo. Walang ibang bayan na tumulong sa atin.”

Ang tanging bansa aniya na nag-alok ng tulong sa Pilipinas ay ang Russia at China.

 

“The only country that offered to help initially and said, “Do not worry when we invent one, we’d give you” was Russia then China. China naman, the one good thing about China is you do not have to beg, you do not have to plead,” anito.

 

Hindi aniya kagaya ng ibang bansa  na  gusto agad ay  cash advance bago pa mag- deliver ng vaccine.

 

” Eh kung ganun, patay tayong lahat. Every Filipino will die I can assure you. Why? Kung wala tayong ibigay sa kanila cash advance, eh di walang vaccine. Eh walang vaccine, di maghalikan na lang tayong lahat para mas madali. That’s I said one wrong with — one thing wrong with the — itong Western companies,” anito.

 

Hindi naman binanggit ng Pangulo ang  mga Western companies dahil baka aniya  smagpa-pa-advertise ang mga ito.

 

“That’s one thing wrong about the Western countries — it’s all profit, profit, profit. There’s a pandemic and you say that, “Okay we have the — we have something for sale or something to sell to you.” And marinig mo, maligaya ka only to be — only to collapse when the next sentence is said “pero magbayad kayo ng cash advance bago kami magpadala.” litaniya ng Pangulo.

“Hindi pa nga eh. Eh nagkamali ako wala pa. Now they are asking for parang reservation fee. Wala pa sila. Sabi nila ‘pag naimbento na ito o natapos na namin ‘yung trials — but anyway it’s really — they are really on the advanced stage of the clinical trials,” aniya pa rin.

Baliw aniya ang  pharmaceutical company na wala pa ang vaccine, wala pang  finality, ay nais na nito na magpareserba na ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagdeposito ng pera.

 

” Bakit ako magbili ng ganung style? Because the Procurement Law of the Philippines, this country, does not allow you to buy something which is non-existence or to be produced as yet,” giit ni Pangulong Duterte.

 

“It’s a very exacting law and you must always reckon with, you know, prosecution and going to jail. At bakit ka naman…? So iyan ang… Bakit ka naman magbayad na wala diyan? Now talagang…”

 

“If the companies are here or representatives, mag-uwi na kayo sa inyo. ‘Pag hindi, sipain ko kayo kung makita ko kayo diyan sa ano. If I happened to have dinner outside and see you somewhere in the hotels, I’ll kick your ass. Bastusin ko kayo. Umuwi kayo doon sa inyo, mag-yawyaw (nag) kayo,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala.

 

Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution na may petsang Setyembre 1 pero ngayon lang inilabas sa publiko.

 

Nabatid na forfeited din sana ang retirement benefits ni Judge Mario Trinidad,dating Presiding judge ng Guihulngan City RTC, Branch 64 at habang buhay na siyang diskuwalipika sa anumang publikong opisina pero una siyang nakapagretiro.noong Enero19.

 

Kaugnay nito,pinaalalahanan naman ng SC, ang lahat ng Hukom na mayroon ini adopt na rules, circulars at guidelines para sa kanila na dapat nilang sundin para mapabilis ang resolusyon ng mga kaso na kanilang hawak at kahit na sila ay nagretiro na hindi nila mapipigil ang SC na patawan sila ng parusa kapag napatunayan na lumabag sila sa polisiya .

 

Ang kaso laban kay Trinidad ay nag-ugat sa isinagawang spot audit ng Office of the Court Administrator (OCA) noong Agosto,2019 sa Guihulngan City RTC, Branch 64, na hinahawakan nito na dalawa sa dinesisyunan na civil case ay overdie at ang 46 sa 49 kaso na submitted para resolusyon ay nanatiling nakabinbin at hindi nareresolba sa itinakdang reglementary period at nabigo ang Hukom na makapagbigay ng kapani paniwalang dahilan kung bakit nabinbin ang kanyang resolusyon.

 

Ayon sa SC ,alunsunod sa Konstitusyon kinakailangan na ang Mababang Hukuman ay resolbahin ang kaso sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa na isinumite.

 

Ang pagkaantala umano nito ay nangangahulugan ng pagkasira ng pagtitiwala ng publiko sa judicial system ng bansa. (GENE ADSUARA)

VENDOR NA TRIGGER HAPPY KALABOSO

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang ice vendor matapos arestuhin ng pulisya makaraang magpaputok ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Henry Gososo, 40 ng Block 7G Lot 3 Phase 3A1, Brgy. Longos.

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Diego Ngippol at PCpl Michael Oben, nakatanaggap ng tawag sa telepono mula sa Brgy. Longos ang Station Intelligence Section hinggil sa napaulat na indiscriminate firing sa Block 8 Teachers Village Pampano St. Brgy. Longos.

 

Kaagad nirespondehan ng mga pulis sa pangunguna ni PLT Joel Aquino ang naturang report kung saan nagsagawa ang mga ito ng round the clock surveillance sa naturang lugar hanggang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa kanilang puwesto alas-5:50 ng hapon.

 

Nang biripikahin ng mga pulis ay nakita nila ang suspek na may bitbit na baril kaya’t agad nila itong inaresto at nasamsam sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng apat nab ala at dalawang basyo ng bala.

 

Kasong paglabag sa RA 10591 (illegal possession of firearm) ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Sky Candy nangibabaw

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naglaho ang galing ni Sky Candy na nirendahan ng class A na hineteng si JA Guce, maski matagal na nabakasyon pinamayagpagan nitong Linggo ang PHILRACOM-RBHS Class 3 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

 

Dinamba ura-urada ng nasabing kabayo ang primera pagkalabas ng aparato, paentra ng far turn, humirit sina Refuse To Lose at Kaka And Bachi sa paghablot sa trangko. Pero parehong bulilytaso sa winning horse, na ang may ari’y kumite ng P20,000 na cash buhat sa Philippine Racing Commission.

 

“Iba talaga ang husay ni Sky Candy pang stakes race, kahit matagal natengga hindi nagbago ang porma,” masayang dada ni Peter Gallardo, isang taga-Carmona na mananaya.

 

Pumangalawa si Two Timer, pumangatlo si Refuse To Lose, samantalang pumang-apat si Kaka And Bachi sa unang karera sa SLLP sapul nang mahinto noong Marso dahil sa pandemya. (REC)

Messi pinakamayamang football player sa buong mundo – Forbes

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinilala ng Forbes si Lionel Messi bilang pinakamayamang soccer player sa buong mundo.

 

Ayon sa Forbes, mayroon itong kabuuang yaman na $126 million.

 

million dito ay mula sa kaniyang sahod habang $34 million ay mula sa kaniyang mga endorsements.

 

Nasa pangalawang puwesto naman ang isa pang football superstar na si Cristiano Ronaldo na mayroong kabuuang assets na $117 million.

 

Pumapangatlo ang Brazilian star na si Neymar na mayroong $96 million na yaman.

 

Habang nasa pang-apat na puwesto ang 21-anyos na si Kylian Mbappe na tinatayang may $42 million.

Sagupaang Russel at Richard aabangan

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa inaantabayanan ng mga professional basketball fan kapag nagbalik na ang 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations ang pagtatapat ng magkapatid na Escoto.

 

Sila ay sina veteran Russel na nasa five-time defending champion San Miguel Beer  ang mas bata na si Blackwater Bossing rookie Richard.

 

Maaaring maganap na ang matagal na hinihintay ng fans  sa pagbabalik aksyon ng propesyona na liga sa git na ng Oktubre.

 

“First time kong makakalaban ang kuya ko sa buong buhay ko ‘pag bumalik na ang PBA,” pahayag ng newcomer para kay Russel.

 

Pero hindi ikinubli ng former FEU Tamaraw na binibigyan siya ng advice ng kanyang kuya sa kanyang nalalapit na pagsalang sa unang Asia play-for-pay hoop. (REC)

Public transport distancing niluwagan ng pamahalaan

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mas marami ng mga commuters sa Metro Manila ang makakasakay sa trains tulad ng LRT 1, LRT 2, at MRT 3 at ganon din ang public utility vehicles (PUV) dahil nag relax ang pamahalaan sa physical distancing measures sa iba’t ibang klase ng public transportation.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Inter-Agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases na pumayag na sa proposal ng DOTr at ng Economic Development Cluster (EDC) na magdagdag ng ridership sa mga public transportation sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distance sa pagitan ng mga commuters.

 

“There is a need to safely optimize the carrying capacity of the various public transport modes as Metro Manila and its adjacent areas continue with transition towards the new normal where more workers are expected to return to their re-opened workplaces and more businesses are expected to resume operations that were stopped during the enforcement of strict quarantine measures,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

Ayon sa DOTr ang one-meter physical distancing ay puede ng ibaba ng  0.75 m at .5 meters at hanggang .3 meters upang magkaron ng optimization ng ridership. It ay dahil na rin sa strict protocols na ginagawa  upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 dahil sa paggamit ng mandatory face masks at face shields.

 

Sinabi ni Tugade na ang proposal ng  EDC at DOTr ay pinayagan at sinuportuhan ng National Task Force (NTF) laban sa COVID 19.

 

Ito ay maaari pa na ma optimized sa 0.5 meters pagkatapos ng dalawang linggo at 0.3 naman pagkalipas ng dalawang linggo.

 

Samantala si transportation assistant secretary Goddes Libiran ay nilinaw na ang Department of Health (DOH) ay nag request ng isang pagpupulong sa EDC at DOTr upang pag-usapan ang nasabing approved na reduction ng passenger social distance requirements.

 

“For class 2 modern PUVs and public utility buses, we will be easing the physical distance between passengers inside the vehicles would mean that standing passengers may be accommodated. For LRT 1, the relaxed distancing requirements would increase the allowed capacity to 204 (0.75 meter), 255 (0.5 meter and 300 (0.3 meter) from the current 155 with the one meter distancing policy,” ayon sa DOTr

 

Para naman sa LRT 2, ang passenger capacity ay tataas ng 212 (0.75 meters), 274 (0.5 meters), at 502 (0.3 meters) mula sa dating 160. Sa MRT 3 naman, ang passenger capacity ay mag expand ng 204 (0.75-meter), 255 (0.5-meter), at 286 (0.3-meter) mula sa 153.

 

“In PNR, trains would expand to accommodate 184 (0.75-meter), 256 (0.5-meter), at 320 (0.3-meter) mula sa dating 166,” dagdag ng DOTr.  (LASACMAR)

Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.

 

Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes ng gabi.

 

“I’m sorry for them but they will have to undergo trial,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng  task force on PhilHealth.

 

Kabilang sa mga sasampahan ng kasong kriminal at administratibo  ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

 

Sinabi naman ng Department of Justice  na isinumite ng task force ang kanilang report kay Pangulong Duterte araw ng Lunes.

 

Kasama sa mga alegasyong korapsyon na binanggit ng task force ang procurement ng overpriced IT equipment; kwestyunableng paglalabas ng funds sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM); at umano’y manipulasyon ng financial status ng korporasyon.

 

Mababatid na tinapos na ng Senate Committee of the Whole ang sarili nilang imbestigasyon sa mga anomalya sa PhilHealth at inirekomendang kasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III, ai Morales, at iba pang top-ranking officials ng ahensya dahil sa misuse ng mga pondo sa ilalim ng emergency cash advance measure. (Daris Jose)

BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO

Posted on: September 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila.

Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. Buzon, 32 ng #704 Delpan Street, Binondo Maynila.

Tinatayang  100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000 ng narekober s apag-iingat ng suspek.

Sinasabing konektado ang suspek sa isang malaking sindikato ng bawal na droga sa Central Luzon na kabilang sa high value target ng mga otoridad.

Ang suspek na nasa kostudiya ng PDEA ay kakasuhan ngayon ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (GENE ADSUARA)