4 drug personalities timbog sa Valenzuela buy-bust
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makuhanan ng nasa P81,600 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-busy operation ng pulisya sa Valenzuela city.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 1:10 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa Beside Camella homes Subd. Gate, sa Galas St, Brgy. Bignay.
Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P500 halaga ng shabu kay Menardo Denilla, 29, at Mark Alvin EStrella, 35, kapwa ng Galas St. Brgy. Bignay.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa pulis-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, marked money, P300 cash, dalawang cellphones at isang motorsiklo.
Nauna rito, bandang alas-11:30 naman ng gabi nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy-bust operation sa kahabaan ng Joy St., Brgy. Punturin si Raymond Dinglasan, 38, at Ernesto Rodriguez, 51, matapos bentahan ng P1,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ani SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang nasa 7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P47,600 ang halaga, marked money, P790.00 cash, dalawang cellphones at isang kulay green na Honda Civic (WCU-367). (Richard Mesa)
-
Narco-cops walang lusot, hahabulin kahit magretiro
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na kahit pa magretiro na ay hindi pa rin makakatakas sa imbestigasyon at prosekusyon ang mga tinaguriang narco-cops o yaong mga pulis na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa bansa. Sinabi ni Abalos na umaarangkada na sa […]
-
Patuloy na naire- record na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa, dapat tingan sa positibong perspektibo – WHO
NANINIWALA ang World Health Organization na hindi dapat na ikahina ng kalooban ang patuloy na naiuulat na pagdami ng kaso ng COVID sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang inihayag ni WHO representative to the Philippines Dr Rabindra Abeyasinghe gayung indikasyon aniya ito sa pagtaas ng actual COVID testing na […]
-
Ads November 5, 2022