• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspect timbog sa buy bust sa Valenzuela

ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang bebot sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kahapo ng umaga.

 

 

Sa report ni PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa harap ng walang numerong bahay sa Matiyaga St. Area 3, Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Agad inaresto ng mga operatiba si Gilbert Evangelista, alyas Berto, 29, ng Navotas City at Joan Macaspac, 25, matapos umanong bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy-bust money, P500 cash, 2 cellphones at pouch.

 

 

Nauna rito, dakong alas-9 ng gabi nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo sa buy-bust operation sa labas ng kanilang bahay sa F. Alcanar St., Brgy. Wawang Pulo si Reilando Manalo alyas Toto, 42, at kanyang live-in partner na si Mary Jane Castillo, 46.

 

 

Ani SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, nasamsam sa kanila ang humigit-kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, P500 buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagkatapos na maisilang ang first baby: BIANCA, na-miss agad at gustong mabuntis uli

    PAGKATAPOS na isilang ang kanyang first baby noong nakaraang buwan, miss na raw ulit ni Bianca King ang maging buntis.     Sa kanyang isang post sa Instagram, sinabi ni Bianca ay, ““I miss being pregnant. I wanna do it again.”     Hindi naman tinago ni Bianca sa social media ang kanyang postpartum belly. […]

  • Cashless transactions na ang EDSA busway system

    IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo.   Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang […]

  • PAGBUBUKAS NG MANILA NORTH CEMETERY, INILATAG NA

    PINAGHAHANDAAN na ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na paggunita ng “Undas” .     Ayon kay Roselle Castaneda, hepe ng MNC, batay sa kanilang inilatag na kalendaryo, simula bukas Oktubre 1 hanggang Oktubre 25 ay bukas ang MNC mula alas 5 ng umaga hanggang alas 5 ng […]