• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects arestado sa Calocan

APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Phase 8A, Barangay 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanilang target na si Acmad Moad, 23, vendor.

 

Nakumpiska kay Moad ang aabot sa 18 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P122,400.00 ang halaga at marked money.

 

Alas-2:30 naman ng madaling araw nang masunggaban ng mga operatiba ng Intelligence Section at SDEU sa pangunguna nina P/ Maj. Rengie Deimos at P/Capt. Cabildo ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level na si Noe Ariate, 26 ng 347 Marulas A Brgy. 36 sa buy-bust operation sa Raja Soliman St. Brgy. 37.

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, cellphone at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 44 piraso boodle money.

 

Samantala, balik-selda si Maria Cristina Pascual, 47 at Enrique Rosalida, 45 matapos masakote ng mga operatiba ng NPD- DDEU sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan, Jr. sa buy-bust operation sa Block 4, Lot 2, Tupda Village, Brgy. 8, dakong 1:30 ng madaling araw.

 

Nakuha sa kanila ang 60 gramo ng shabu na nasa P408,000,00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at limang piraso boodle money

 

Base sa record, si Pascual ay dati nang naaresto matapos makumpiskahan ng ilegal na droga subalit, nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement sa Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 127 habang si Rosalida ay nakulong dahil din sa ilegal droga ngunit nakalabas matapos makapagpiyansa sa RTC Branch 121. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 30, 2021

  • Okay pa rin ang relasyon kahit balitang naghiwalay na: JANELLA, nakikiusap na bigyan muna sila ng privacy ni MARKUS

    NAKIKIUSAP si Janella Salvador na bigyan muna sila ng privacy ni Markus Paterson sa gitna ng balitang naghiwalay na sila.     Kelan ay nagsalita na si Markus tungkol sa estado ng relasyon nila. Pero pahulaan pa rin kung sila pa rin ba o kung hiwalay na ba sila?     Heto ang sinabi ni […]

  • P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

    INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.     Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]